-Day 30, Friday, February 14-
Tumingin ako sa bagong relo ko, na sobrang mahal, na binili ko lang kanina-nina lang, na tinawaran ko pa nang sobrang dami, na nagloloko pa, na napansin ko naman na pwede namang yung phone ko nalang gamitin, at nakita ko na halos past 6:30 na ng gabi.
Tumingin ako sa paligid, halos gabi na pero may taping pa rin dun sa Pirate Island. Maraming tao pero hula ko karamihan lang dyan e tambay lang at gustong makita yung costume ni Ate Walter.
Oh well, dito lang ako, sa tabi nung mobile home nila. Nag-aabang kasama si-
"Bakit ba kasi nating kailangan pang abangan yan? Parang nagiging stalker ka na eh. Sa tingin ko oras na para itigil na 'tong kalokohan na 'to eh," sabi ni Ashton sabay kagat sa dala nyang chicken burrito.
"Drama 'to, Ash, drama 'to. Alam mo namang meron akong innate affinity sa drama eh."
"Alam mo G.A.... ano ba talagang pakialam mo? E nung una nga e puro paninira lang yung ginagawa mo dun sa tao eh. Ambaba nga ng tingin mo eh, tapos ngayon nandito ka na?"
"Narinig ko yung fraction ng life story nya, kaya mula ngaoyn meron na akong quest!"
"Quest ng ano? Pagiging matchmaker?"
"Ashton, may sasabihin din naman ako sayo. Paglaki ko, mamamana ko rin yung Emtree Lee's, at pagdating ko dun, e puro seryoso na. Kikita na ako ng bilyon, pero wala na akong pwedeng gawin-"
"Manahimik ka nga dyan," sabi ni Ashton sabay kagat nanman nung burrito nya, "pwede ka namang mag-hire ng manager eh. Habang ikaw e naka-upo nalang dun sa mansyon mo, at nanonood ng TV. Bakit ba andaming hindi nakaka-alam na pwede namang mag-hire ng manager?!"
"Na-trigger ka?"
"Wala lang, may naalala lang akong walang kasilbe-sillbeng scene sa Tides of War noon, wala lang yun."
"Pwede ba talaga yan? Hindi ko alam yan eh, hindi naman ako nakikinig sa klase sa management."
"Bilyonaryo ka rin naman pagtapos mo rito kailangan mo pa bang makinig?"
Tinaasan ko si Ashton ng kilay, "e ano naman sayo ha?"
"Half-American ako, sa tingin ko naman din alam mo na, na secured na rin yung future ko sa pag-aartista."
"Oo nga pala..."
"Ang sinasabi ko lang na hindi excuse yang ginagawa mo sa stalking na yan. Kapag nag-hire na na ng manager e pwede mo nang gawin ang lahat ng kalokohan na pwede mong maisip. Joyrides, mountain climbing, surfing, skydiving... O pwede namang maging katulad ka ni Thunder at kumuha naman ng mga lalakeng escort! Hahahaha!"
"Alam mo, natatawa rin naman ako sa sinabi MO EH!" Bigla kong sinubukan kunin yung burrito pero nai-alis nanaman ni Ashton.
Mabilis 'tong lalakeng 'to ah.
"Mabagal ka pa rin talaga eh no? Upo na nga tayo rito," umupo na si Ashton sa baba ko lang, "mahangin naman na ngayong gabi eh."
"Pwede ba 'wag kang maingay? Van nina Selena 'tong nasa likod naten noh! Baka marinig pa tayo nyan eh."
Nakita kong tinaasan lang ako ng kilay ni Ashton, "e bakit hindi nalang tayo pumasok sa loob para hindi puno ng buhangin yung pwet natin?"
"Ayaw nga sakin ni Selena eh, nabwibwisit ata."
"E ikaw naman kasi eh, hilig mo talagang mambwisit eh, tapos ngayon nandadamay ka pa."
"Shush, ako na bumili nyang burrito na yan sayo eh! Angal ka pa!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...