Chapter 116 - By The Beach [Part 1]

1 0 0
                                    

-Day 153, Sunday, June 17- 


Come on! Come on! Dammit! It's been two weeks na since nakarating ako dito at hindi yon excuse para magtago nalang ulit sa van at hindi man lang magpakita in all these two weeks! Ano ba talaga?!

Kakabili ko nga lang ng sundress, at ngayon binigyan na rin ako ni Ate Walter ng fuzzy sweater, tapos wala man lang para tingnan ako?! Ang mahal-mahal pa naman ng bili ko rito! At handa na rin akong manlibre dammit!

Napatingin ako sa orasan sa smartphone ko at sa langit. It's almost nighttime na! Hindi na 'to excuse!

"Nero! Mag-report ka ngyon din!" Bigla kong ginulat nalang 'tong katabi ko sa tent at halos nalaglag na sya.

"Hey! Ako may report! Gusto nyong marinig?" Bigla nalang din nagsalita si Xyra sa kabilang side naman nung mesa.

"Hindi yon. Any idea kung kelan lalabas yung mga nasa van na yun?" sabi ko sa kanilang dalawa sabay turo dun sa mobile home nina Kendo at Lyn.

"Bakit ba gusto mo? Eh hindi naman talaga namin pinapansin yang dalawang yan eh!" Kinalabit ni Xyra si Nero. "Dagdagan mo yung sinabi ko oy!"

"Tama nga 'to. Wala namang may pake sa dalawang yun eh. Dun lang sila tapos kami gagalaw nung script. Tapos! EZ."

"Wala man lang talaga-?! WOAH! MAY TEXT AKOH!" Bigla akong lumingon sa kanila. "Sandali punta na ako don! ASAP!"

Nung tumalikod ako may narinig akong nag high-five sa likod ko pero nung tumingin ako sa kanilang dalawa eh parang wala naman silang inaarte. May binabalak yung mga kasama ko rito ah- wala na akong pake.

Nagmadali na akong lumakad papunta dun sa van nila nung nakita kong bumaba na si Kendo! AHAAAAAAYYY!

"KENDOOOO! PAPARATING NA AKO DYAAAAANNNN!"

Napalingon sya sakin at hindi ko na alam yung reaksyon nya sa mukha at mabilis nalang binangga ang Pinagpala headwriter straight to the sand! Masakit ba? I dunno, mabuhangin nga lang.

Inangat ko yung ulo ko at nagkatitigan kami for hindi ko alam kung gaano katagal-Oof!

"Nagsasayang tayo ng oras dito sa buhangin! I got news! Dun na tayo sa beach!" Mabilis syang tumayo at naiwan nalang ako rito na nakahiga sa buhangin habang inaalam pa kung kelan pa naging sobrang sarap titigan nung mata nya-

"Bangon na! Bilis! Mauuna na ako don ah?" Ulit nya ulit bago nagmadali nang maglakad papunta sa beach.

Haaayzzz... I think kinilig ata ako don-

Nakita ko yung puting aso ni Bronze na umihi sa gilid ng mobile home na malapit lang ako!

Paa ng kalabaw! Bigla akong tumayo at nilinis yung sarili ko at humabol na papunta kay Kendo dun sa beach! Minsan lang talaga I'm so glad na yung methods nya of teaching involve one-on-ones... Or maybe sa'kin lang nya ginagawa 'to?!

Nevermind, dalawang linggo sila ni Lyn nakakakulong sa van nila eh.

Naka-abot na ako sa kanya dun ulit sa beach. This time madilim at meron lang syang dalang flashlight na mukhang oil lamp.

"Uy! Binigyan ka na rin ni Ate Walter ng sweater mo?" tanong nya sa akin nung nakarating na ako sa kanya.

"But of course! Tingnan mo yung nakasulat oh! 'Keep Cool' tapos may isang ice cream dito sa likod!" Tumalikod na rin ako at tinuro ko yung design.

"Hindi ko suot yung sweater ko ngayon eh. Inabot na nga ako ng dalawang linggo sa van namin eh!"

"Aba'y bakit naman? Dinala mo ako rito tapos hindi ka man lang magpaparamdam?!"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon