Chapter 59 - Return to BT-7 [Part 1]

8 0 0
                                    

-Day 38, Saturday, February 22-


Tiningnan ko ulit yung CP ko, yep, tama nga at yung BT-7 na ulit yung nagpapa-balik sa akin dito.

Nagpapabalik? E hindi na nga nila ako kinontact ever again pagtapos ng Barkadas, parang poof nalang at naiwan na ako sa alikabok.

Dahil nga sa na-contact na ako kagabi palang e naisip nalang ni Thunder na dalin na ako kaagad sa BT-7.

"Anong oras pa ba?" Tanong ko kay Thunder sabay silip sa baba, antaas na namin ah. Last time ako tumingin sa mababang lugar e nalula ako. Ewan, bata pa naman ako noon.

"Abang-abang lang tayo, darating din tayo dun."

Para sa isang bilyonaryo, kataka-taka nalang na walang pilot si Thunder at sya mismo nagpapalipad nung helicopter nya... strange.

Bigla ko nalang naalala, ano na nga palang nangyari sa NeNa shipping?

Mabilis kong in-open yung FB sa phone ko at nagtingin.

Hmmmm... maraming pics ni Nero na may dalang flowers, nasa harap ng room nung medivan, at iba pang mga related pics, pero wala niisa si Selena.

Hanggang sa umabot ako sa isang pic sa ilalim.

May pic silang dalawa sa loob ng medivan, kung saan si Nero nagselfie sa kanila. Si Selena, ika nga dun sa sinabi ni Artur kagabi, e nakasuot nga ng sobrang luwag na jacket, na kung iisipin, e kasya nga silang dalawa sa loob.

Heh, malay ko ba? Kung totoo ba yung sinasabi nya?

May nag-message sakin ulit, si Chelsea pala.

'Hey, binasa ko na yung Wattpad na sinabi mo noon'

'Heh? Ano yun? May pinabasa ba talaga ako noon? Kelan yun?"

'Nung bumisita tayo dun sa mansyon ni Thunder, banaman yan nalimutan mo na rin?'

'Ano ulit yung title?'

'Beyond the Veil, yung sinasabi mong basahin ko noon tungkol dun kay screenwriter'

'Parang alam ko kung kanino yon, sabihin mo nga sakin kung ano nakita mo?'

'Wala naman, in fact maganda nga yung pagkaka-wording eh'

'Sa paanong paraan?'

'High quality, parang hindi galing Wattpad, iba nagsulat nito'

'Ano storya?'

'Tungkol sa isang babae na- alam mo naman na kung ano yung sinasabi ko eh, pero iba talaga, wala na akong oras intindihin, may band class nga diba?'

'Ako na ba magbabasa nyan?'

'Ikaw nalang, out na muna ako, band class

In-off ko na yung CP ko at tumingin ulit sa labas. Nasa city na kami, pero hindi ko naman maintindihan kung saan.

"Nandito na tayo, at least a few minutes pa... Tingin ka dun sa harap," malakas na sabi ni Thunder sa akin.

Naka-suot kasi nung heli-headgear headphones eh, hindi alam kung gaano na kalakas yung boses na ginagawa nya.

Di bale na, tumingin na ako sa harap, at nandun na nga. Hindi ako pwedeng magkamali, at yun na yung BT-7 building!

Naka-bisa ko kaagad, ibig sabihin yung KV-2 building eh nandun lang sa bandaaaaang...

Kanan! Kita ko na nga!

Napaka-convenient naman nung pag-alis ni Chelsea sa phone nya.

"Sabi nga pala ni Arturo na enjoy ka muna dito, mayang gabi nalang kayo usap, baka kasi istorbohin mo nanaman daw sya, hindi pa sila tapos isip next episodes."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon