-Day 94, Thursday, April 19-
"Ah yes! Isa nanamang taping ang tapos kaagad!" malakas na sabi ko sabay akbay kay Chelsea. In fact, pareho na nga kaming naka fantasy suits eh! Metal bikini fantasy suits!
"Nakakahiya naman yung ginawa ko..."
"Oh don't you worry, mawawala rin yun! Masasanay ka rin sa pagiging actress! Madali nga lang eh!"
"Eh bakit yung mga baklang direktor eh wala nalang ginawa kundi kiligin sa ginagawa nila?"
Napahito ako sa sinabi ni Chelsea at napa-isip ulit dun sa mga pinag-gagawa ko kanina... ano nga pala yung mga ginawa ko kanina?
Napunta na ako sa mundo ng Kabanyagan, tapos nakita yung mga cast members, tapos nakipag-team up kina Miggy at Christian para humanap ng isang makapangyarihang bagay. "Kinilig ba yung mga direktor kanina? Masyado akong nag-iisip tungkol dun sa mga pics ko eh."
"Nalimutan mo na kaagad?"
"Bakit? May nangyari ba? Can you tell me kung ano yon?"
"Masyadong mainit yung terrain na pupuntahan nyo at kailangan nung dalawang lalakeng-"
"Maghubad! Yes of course naaalala ko na! Bakit nga pala wala akong sinabi ron-?" Sasagot pa lang sana si Chelsea nung lumingon ako sa direksyon nung dalawang baklang direktor na in-charge sa amin ngayon. "Hey, mga ladies! Bakit nga pala kailangan yung paghuhubad nila?"
Kinilig silang dalawa at tumili pa yung isa ng mahina. "Ah kasi ate, mainit lang naman talaga eh! Hihihihihi!"
"Di ba sabi ko tanggalin na yung mga nonsense kalandian?" sabi ko sa kanila.
"Ah hindi naman ganon eh, sabi samin ni Papa Carson na kapag gusto namin eh we have the rights na gawin yon!"
"Sinabi mo bang Papa Carson?!"
I must say pero tumili sila at parang nangatog sandali yung tuhod ko nung narinig ko yung pangalan na yon... Haaaayzzzz... If only hindi lang pala ako nagpalagay eh kasama ko na sya ngayon...
"Sabi pa nga nya eh 'It doesn't matter how slowly you go as long as you don't stop' AAAAAAAIIIIIIIIIIEEEEEEE!!!"
"Agree ako sa inyo dyan, mga ate! Agreeng-agree ako dyan!" sabi ko sa kanila sabay bigay ng thumbs up.
Aba'y magaling naman pala itong si Papa Carson pagdating sa mga ganitong bagay eh no? Pwede syang motivational poster!
-Day 100, Wednesday, April 25-
"Aaaahhhh! The wonders of retokadong photos!" Napasabi nalang ako sabay like nung mga comments dun sa mga beach photos ko! Ay sus! Buti nalang talaga eh pinayagan muna akong pumunta rito sa beach para lang dito! Tiwalang-tiwala talaga yung BT-7 sakin!
"Hmmm... The masses... feed the masses! NYAHAHAHAHA!"
Ay oo nga pala kasama ko nanaman yung cute at bansot kong leading man, sa tingin ko eh hindi ko naman nang kailangan pang ipagsabi yon.
"Darling Daryl, bakit hindi pa tayo isang round pa eh? 'Tong mga tao talaga eh uto-uto no?"
"Sinabi mo yan Guinevere Auraxis, ikaw mismo ang nagsabi nyan. Maniniwala sila sa kahit anong ipakita mo! Ang hindi lang makuha ng maliliit na mga utak nila eh nasa showbiz tayo at tayo mismo ang mamimili ng ipapalabas natin at ang ipapalabas natin eh yung mga gusto lang nila! AH HAHAHAHA!"
"Wow! Wala akong naintindihan sa sinabi mo!" Binuksan ko muna yung lotion ko at pahid muna sandali ng sunscreen. "Basta ang alam ko eh libre pala 'tong mga vacation na 'to?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...