-Day 350, Thursday, December 31-
Umakyat na kami pareho sa top floor ng Zis 30 building. Hindi maganda yung paligid, makalat, mga tae ng ibon, mga exhaust... chambers... ewan.
"'Wag mo nang pansinin yung paligid," sabi ni Kendo sa'kin. "Madilim naman na eh, at hindi na kailangan pang sayangin ang oras para mag-reklamo dyan."
May isang nagpaputok ng isang napaka-gandang kwitis galing dun sa isang village sa di-kalayuan. Nasa taas kami ng building ngayon at kay ganda naman ng view!
"Aba! Tama ka nga. May ike-kewnto ka pa ba sa'kin?"
"Actually, seryoso talaga yung kwentong sasabihin ko sa'yo ngayon..."
"Okay lang yon at matagal ka naman nang nagkwe-kwento ng mga serious stories mo sa'kin eh. Nanghihinayang na nga rin ako na ibang-iba talaga yung life story natin. Ano na nga pala yung storya nyong magkakapatid ah?"
"Mahirap talaga noon... pareho sina Son at si ate nakasalalay sa'kin. Ilang taon na rin 'yon, mga halos over 8 years na yon. Aaminin ko na rin naman sa'yo na suicidal na ako noon pero naisip ko lang naman yung mga kapatid ko eh..."
Lumapit ako sa kanya. "Tapos naman na yan diba? Buti nga nakatagal ka nun eh. Kung wala ka na eh hindi mo na mararating 'tong buhay mo ngayon..."
"Yung lola lang namin yung talagang nakaka-usap ko eh, eh matagal na syang wala eh. Hindi na nga namin nakilala yung lolo namin eh..."
"Ako rin naman eh... Kay tagal na rin nung huli kaming mag-usap..."
"Yung final days ni lola eh hindi man lang kami bumisita at pinapahiya lang ako noon..."
"Aba'y bakit naman?"
"Hanggang ngayon eh hindi ko pa rin alam eh... Buti nga nandito ka ngayon eh. Wala pa talaga akong nasasabihan nung life story ko. Ayoko nang ibalik pa yung memories kina Son eh... Matagal na yon, tapos na yon..."
"Kahit si Lyn...? Naisip ko lang naman na 5 years na kayong magkasama eh. Hindi nya alam?"
"Si Lyn hindi ko na talaga sinabi sa kanya. Alam kong 5 years na yung dumaan pero wala pa sa kalahati yung alam nya compared sa alam mo."
"Meron bang dahilan kung bakit? Akala ko ba nagpa-therapy ka na?"
"Yung mga sinasabi nga nila eh kwinekwestyon ko na rin naman na eh kaya inuulit lang nila at pansin kong waste of time lang yon. Tapos... naisip ko lang naman na matagal na akong tapos sa mga isyu na yon at bakit ko pa binabalikan?" Nginitian nya ako at inakbayan sa balikat.
"Oh paano si Lyn?"
"Naisip ko lang na sa level ng pagkaka-intindihan namin ni Lyn eh maayos na at ayoko ko na syang mapalayas nalang ng endless negativity ko nung panahon na 'yon. Masayang kasama, pero hindi nya alam yung background. Maayos naman na eh, everything's fine..."
Nagsenyas ako na umupo muna kami sa isang bakod sa tabi lang nung pinto papunta dito sa rooftop. "Connected ka lang sa kanya in an intellectual level at hindi overall...?"
"Oo, hindi na nya kailangan pang malaman yon. 5 years na kaming all smiles lang. Sinasabi nya yung storya nya pero yung sa'kin hindi. Parang ngayon lang, hindi ka nagkwekwento nung sa'yo..."
"Maayos na buhay ko from the very beginning dito sa Pinas... offensive na ata yun kung ang kwento ko puro positive tapos ikaw hindi mo lang alam yon... so ano tingin mo nga kay Lyn?"
"Haayz Mari..." Lumingon sya sa'kin at kahit dito sa dim lighting eh kita kong nginitian nya ako. "Sasabihin ko lang sa'yo na si Lyn ang pinaka-magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko... totoo yung narinig mo sa'kin noon."
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Genç Kurgu[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...