-Day 212, Wednesday, August 14-
Tumingin ako ulit sa phone ko at nakita kong halos 7pm na. Bakit kaya ang aga ata ngayon? Normally kapag nacontact na ako eh parang mga 8pm pa, what gives?
Nevermind, maganda naman view ko rito sa challenge nila kay Ate Lesley eh. Paa banaman ng kalabaw eh pinagbubuhat ng barbel na halos kasinlaki na-
Dear god binuhat nya.
Narinig kong bumukas yung pintuan sa likod ko at nakita ko na pinakaka-aabangan ko all these days!
"Alright! Dun na tayo!" sabi nya sabay baba na kaagad at senyas sa'kin na sunod na rin sa kanya.
"Wala man lang na comment yung damit ko?" Naisip ko lang naman na sinabi ni Kendo na sobrang sexy nung masikip na damit para kay Lyn noon kaya suot ko na rin ngayon eh masikip na plain green T-shirt!
Lumingon sya sa damit ko at nagsabi, "Woah, sexy nyan ah!"
"Awww... ikaw ah... gusto mo ng mga masisikip na plain na damit ah?"
"Preference siguro? Ako rin naman tingnan mo naman ako ngayon. Hindi naman na nabago yung damit ko sa puro ganito lang." Sabi nya sabay turo sa puting sando nya.
Eh hehehe... ang important lang eh nalaman ko na kung anong sexy na damit sa kanya... might as well wear things like this in the next few days. "Bakit nga pala maaga tayo ngayon? At bakit nga pala ngayon ka lang? Parang kulang yung message mo sa'kin kanina eh!"
"Busy nga diba? Fina-finalize ko na yung script kasi yun na yung buong season one plus yung mga projects eh mino-monitor ko pa!"
"Akala ko ba may katulong ka naman?"
"Eh madalas na silang magkita ni Nero ngayon eh kaya nga maaga na tayo ngayon eh..."
"Oh meron nanamang naiba dyan sa boses mo. Meron nanaman bang kailangan pag-usapan dyan?"
"Nah hinde na kailangan. Baka nagsasawa ka na eh."
"Kendo naman, ano ka ba? Base sa lahat ng sinasabi mo sa'kin noon eh parang wala pa ngang nakikinig sa'yo eh!"
"Oo nga pero 'wag naman tayo puro pabigat nalang diba? Nandito tayo para mag-relax!"
"Relax-relax ka dyan, meron nanaman tayong event ano?"
Hindi sya sumagot. Sabi na nga ba meron nanaman problema eh. At least finally napapakita ko na rin na I'm more than Lyn! Kaya nga todo-support eh.
Nakarating na kami sa usual site namin at naupo na ulit. Maulap lang ngayon, wala man lang na stars kaya, as usual, ginamit nalang namin yung flashlight na mukhang oil lamp.
Ganun lang ulit, lagay sa harap namin, upo sa buhangin. You know, the works.
"Alam mo, Mari, sa tingin ko si Lyn eh tapos na yung oras nya sa'kin. Matagal-tagal naman na rin eh."
"Ano kamo...? Tapos na oras? What do you mean?"
"Parang sabi ko lang sa'yo kelan lang. Five years na kami rin at ngayon eh aalis na rin sya. Kitang-kita ko na yon."
"Yun ba yung kay Nero...? Para namang wala lang yung 5 years ah, paano mo nalaman?"
Tumango lang sya sa'kin at hindi sumagot.
"Eh malay mo, tao lang..."
"Parang kelan lang din nung sinabi nya sa'kin noon na hindi sya aalis, parang yung mga sinabi mo lang din noon?"
Ito na ata yung dahilan bakit hindi sya naniniwala sa promises ko. "Matagal na rin naman na yang five years na yan. Base sa mga sinabi mo sa'kin noon eh andami nyo nang pinagdaanan, ganon ba?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...