Chapter 129 - Somewhere in Zambales [Part 1]

2 0 0
                                        

-Day 292, Saturday, November 3-


"Tapos na ba yung voice lines mo ulit? Ang hirap siguro ng pagiging isang disembodied spirit ano?" tuwang tanong sa akin ni Kendo sabay akyat sa isang malaking bato.

Sinubukan kong akyatin yung inakyat nya pero talagang madulas yung mga bato rito sa beach eh. "Kelan ba kasi ako lilitaw ah?" tanong ko sa kanya.

Huminto sya sa taas nung malaking bato at sumagot, "Kapag alam mo nang i-shove in yang retokadong boobs mo eh pwede na tayo! Pero seriously, kailangan yun pa rin yung histura mo since nung umalis ka eh kaya required talaga yan!"

Umikot ako sa kabilang side nya dun sa may mga maliliit na mga bato. "Eh di hindi naman ako makahinga non! Wala namang masamang subukan ulit eh!"

"Ilang beses na nga tayo nagbatakan ng tela eh! Anlaki naman kasi nung kinuha mo! Kapag hindi natin nasolusyonan yan eh stuck ka na sa isang magical voice nalang for the remaining days ng Pinagpala!"

Bumaba na si Kendo dun sa malaking bato at patuloy na kami sa lakad namin dito. "Eh may palusot naman siguro don ano?"

"Wala eh. Ang awkward naman kasi na papatanggal pa natin sa mga digital artists natin 'yang boobs mo. Kaya hangga't sa hindi pa natin kayang pipiin yang dibdib mo eh dito muna tayo. Ni kahit corset ata eh hindi kaya 'yan. Silicon na kasi eh!"

"Ah try ko nalang ulit bukas kung magsuot ako ng robes tapos pipiin ko, I dunno." Napalingon ako sa langit at may nakita akong isang ulap na kahina-hinala yung hitsura. Ituturo ko na sana sa kanya nung may napansin lang ako. "Maaga tayo ngayon ah?"

"Pansin ko kasi mahangin ngayong hapon at instead na gabi eh."

Insinctively napalingon ako sa baba at nakita ko nanaman yung kamay nya. Weeeellll wala namang magagalit kaya...

"At least hindi pawisan yang kamay mo ngayon ah! I'm impressed!"

Eh hehehehe... I think ngayon palang magsisimula yung pagpawisan yung palad ko eh... I hope yung beach winds eh actually makatulong.

"May mga taong paparating, ready up mo na yung shades mo."

Napalingon ako sa mga taong paparating at binaba ko na yung shades ko. "Pumunta nga tayo rito sa Subic pero beach pa rin naman. Ano namang kinaiba nito sa La Paz?"

Inintay namin muna dumaan yung mga tao sa amin bago sya sumagot, " Bago, I guess?"

Eh hehehehe at least naka holding hands kami hehehehe... I think this is enough naman na eh... kahit na hindi ko pa naman ginagawang official... I think magtatagal muna kami ng ganit-ANO BA?! ISANG BUWAN NALANG! I HAD TO DO SOMETHING!

"So uuhhhh... isang buwan nalang pala hehehehe..."

"Uh-huh. I can't wait na i-track kung kelan na ulit magde-degrade ang quality ng EN-2 ulit!"

I'm not sure kung nagjo-joke lang sya sa sinabi nya or wut, pero... "Ano kasi eh... importante talaga..."

"Oo nga eh, sa sobrang importante ang eh-" Bigla nalang nya tinanggal yung palad nya sa'kin at madaling yuko at punas sa buhangin.

"Uh-uh-eh... sa tingin mo ba talaga eh uh... Do you think I look good?"

"Ano kamo...?" Napatingin sya sa two-piece bikini ko, at balik ulit sa daanan namin. "For some reason I think mas distracting ang masikip na T-shirt as compared sa actually nakahubad ng ganyan. It's... maybe sa'kin lang yun."

"Aww... talaga...? Sayang naman at hindi ko na talaga nakita kang topless... eh hehehe... lagi ka lang talaga naka-sando eh no?"

"Sa'kin lang yun, don't take it too personally, okay-? I think atras na tayo... atras. NA. TAYO..."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon