-Day 8, Friday, January 23-
Hindi ako makapaniwala kung gaano ako biglang gumaling sa pag-arteng normal kahit na si Ryan e parang sampung metro lang sa posisyon ko ngayon.
Isang hakbang, nakikita ko syang nakikipag-daldalan sa mga lalaking naka corporate attire.
Pangalawang hakbang, nanginginig na yung tuhod ko.
Pangatlong hakbang, halos nagmumukhang tanga na ako rito.
Pang-apat na hakbang, may mga nagtitinginan na sa akin.
Nag back-out na ako kaagad at kunyari wala akong ini-i-stalk ngayon.
May kumalabit sa akin.
"WALA AKONG GINAGAWA! INOSENTE AKO! 'WAG NYO KONG KUNEEEENNN!!!" Napasigaw nalang ako bigla. Sino ba yon?! Nandito lang ako! Para namang may ginawa akong mali! Kung sino man yun e pwede ko syang-
Biglang natahimik yung mga tao sa paligid ko.
Hehehe...
"Ano nanamang nangyare dito?" Narinig ko yung boses ni Ashton sa likod ko. Pagtalikod ko e hanggang ngayon e hindi pa rin sya tapos sa chicken bucket nya.
"Hehehe... alis na nga tayo..." Sabi ko habang tumutulo pa yung pawis ko sa ulo.
"Kung sikat na tayo tsaka ka magwalang-parang ewan dyan sa gitna ng disyerto. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Yung kontrata mo sa Jollibee?"
Pinunasan ko yung pawis ko sa noo, "si Ryan kasi eh, nandun o," sabi ko sabay turo kay Ryan sa labas.
"Eeehhh, hindi pa ako tapos sa manok ko kaya... Ayun si Nero o, sa kanya ka nalang magpatulong dyan."
Tumalikod na sya kaagad para bumalik sa mesa nya. Parang kelan lang e hindi nya matanggal yung mga mata nya sa cleavage ni Ryan tapos ngayon-
Pinuntahan ko nalang si Nero, na nakatayo lang sa isang side sa tabi ng isang Bear Brand na banner.
Tama pala si Xyra na puro gatas lang ang in-a-advertise nitong lalakeng 'to.
Lumakad na ako sa kanya at binati na rin.
"Anong nangyare sayo kanina? Pati catchphrase ni Xyra sigaw mo na rin maya't maya ah."
"Eh-ano kasi, pwede mo ba akong samahan dun kay Ryan?"
Tinaasan lang nya ako ng kilay, "si Ryan? Er-sige, bahala ka."
"Bakit ba parang ayaw mo?"
"Pagbibigyan kita, hindi mo pa naman sya kilala eh."
"Bakit ba lahat nalang kayo ayaw sa kanya? Wala naman syang ginagawa sa inyo ah! Ni hindi ko pa nga sya nakikita sa set niisang beses!"
Napansin kong napabuntong-hininga si Nero sa sinabi ko, "o sige, tingnan nalang natin."
"Bakit nga pala Ryan pangalan nya? Tunay ba yon?"
"Brianne pangalan nya, Ryan lang yung palayaw nya, stage name, parang ikaw acronym lang. Ni hindi ko pa nga alam pangalan mo e."
"Tingnan mo! Andun na sya! Lakad na tayo!" Hindi ko na sya pinatapos pa at tinulak ko na sya papunta dun kay Ryan.
"Sa tingin bakit din kaya Winterspring yung apelido nya? Sa tingin mo pinabago?"
"Bakit hindi nalang ikaw magtanong?" Biglang naglakad si Nero at nauna sa akin. Pero bago pa ako maka-habol e kinalabit na nya si Ryan at tinuro ako.
Bigla akong kinabahan pero pumwesto lang si Nero sa likod ko at tinapik ako sa likod, "bilisan mo, may shooting ako in ten minutes."
"Umm hi!" Bati sa akin ni Ryan na halos kasing sigla rin tulad nina Ilana at yung babaeng sobrang tangkad na naka-salamin. Naka-suot sya ng off-the-shoulder na damit na fit sa beywang at na-emphasize pa lalo na sobrang laki ng kanyang-
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...