Chapter 3 - Zis 30 Studios Part 2

79 0 0
                                    

May isang lalaki, medyo average lang ang height at hindi masyadong maputi pero maraming nagbulungan tungkol sa kanya.

Hindi ako pwedeng magkamali, ang isa sa mga pinoy na A.S.!

"Si Nero yan, diba?" Bulong sa akin ni Chel.

"Yep, tama ka dyan ate. Next time hinaan mo naman ang bulong mo," sagot sa kanya nung lalaki bago kalabitin yung babae kanina. Nagulat nalang kami pareho at nahalata nya kami.

Nung nagtabi sila e kitang kita talaga ang kanilang height difference. Itong babaeng foreigner 'to parang abot na abot na ata yung kisame sa bahay namin.

"Attention! Yung mga bros nasan na?" Sigaw ni Nero.

Taas naman ang kamay ng mga lalaki sa likod.

"I really don't know why do I take assignments like this..." Napabuntong hininga yung babae.

"Just chill, ok? You would be fine if you weren't drinking your radioactive drinks last night."

Namangha ako sa diretsong inggles ni Nero... O hindi lang talaga ako marunong...

Kataka-taka rin na wala man lang naghiyawan sa kanya...

Niisa talaga wala.

Ewan ko na.

"You know what?" sabi nung matangkad na babe kay Nero, "why don't YOU handle the crowd while I go wait there at the audition room, eh?"

Aalis na sana yung babae nung tinawag sya ulit ni Nero at hiningi yung suot nyang headset.

May pinindot syang pindutan sa bandang gilid.

"Mic test, test, testing. Naririnig na ba ako dyan sa likod?" Mukhang napalakas ni Nero yung boses nya gamit yung headset.

"Yung babae kanina hindi ata alam kung paano paganahin yang mga yan, no?" Kalabit sa akin ni Chelsea.

"'Wag ka na maingay at baka marinig pa tayo."

"Excuse me lang po sa mga lalake, doon po kayo sa kabilang room kay Mrs. Lesley-"

"I am 22 freakin' years old and I demand you watch your mouth, bucko!"

Rinig namin yung boses nung babae kanina na kakaalis lang.

"O sige na, doon na kayo kay Lesley na kabilang room."

Pagkatapos ni Nero magsalita ay unti-unti nang umalis yung mga lalaki papunta sa isang corridor. Yung Lesley nandoon na nag-aabang na sa kanila.

Sino na naman kaya ang translator nya kung ganon?

"Tanong nga lang sa inyong lahat, nandyan ba sina Thunder? Di ba kasama nyo sya?" Tanong ni Nero sa amin.

Lumakas nanaman ang bulungan, kung si Thunder pa naman ang pag-uusapan syempre.

"Hmmm, nagtago nanaman siguro. Di bale na, nandito nanaman na tayo e," naglakad ng kaunti si Nero papunta sa kanan nya bago magsalita muli, "Bago tayo magsalita, kailangan ko lang magsabi ng kaunting mga salita patungo sa screenwriter namin. Kilala nyo naman na siguro silang dalawa, andami nyo na nga sigurong beses narinig na pinoy yung isa."

Maraming tumango sa amin, kasama na ako doon.

"Kaya masasabi nyo na rin na apat na kaming pinoy dito, pinoy pride nga naman diba?"

Maraming sumang-ayon sa amin. Tama nga naman sya diba?

"'Pag pinoy e world class nga naman. Pero wala tayo dito para mag-usap tungkol dito, nandito tayo para maging mga artista! Tama ba ako?"

Naghiyawan na kami muli, pero syempre hindi kasing lakas nung kay Thunder kanina.

"Pero yun na rin ang problema, itong dalawang screenwriter na 'to masyadong mataas ang standards at hinding hindi papasa ang ordinaryong quality ng mga artista."

Nagbulungan na kami.

"Tama kayo dyan, kahit yung mga artista natin ngayon hindi pasado sa kanila. Maniwala kayo sakin, halos isang taon na akong miyembro ng A.S. at itong dalawang 'to e iba talaga pumili. Para sa mga sumusunod sa mga adventures namin, e siguro naman alam nyo na yon."

Huminto sya ng kaunti sa pagsasalita at uminom ng tubig sa basong nakalagay pa sa mesang katabi nya kanina pa, "wala bang magtatanong kung paano ang audition?"

May isang babae na nagtaas ng kamay, "ilan po open na position?"

"Hinay hinay lang, ate, ka-edad nyo lang ako at hindi nyo na kailangan nyang mga salitang ginagamit lang sa matatanda. Pero natanong mo naman na rin e..." May kinuha syang papel galing sa bulsa nya at binasa.

"Hmmm kaunti lang, at sa dami nyong yan e kaunti lang ang makukuha."

Nanahimik kaming lahat, sa dami nga namin e hindi nga maganda yon.

"Maraming uuwi ng luhaan dito, I'm afraid, pero para sa mga napili ay makakatrabaho kaming lahat!"

Walang kumibo.

"...Ang kita nyo dito starts at 10,000 per month at tataas nalang depending on performance?"

Wala pa rin. May inaabangan ako.

"Exempted na kayo sa klase for how many months?"

Wala.

"Hmmmm... wala? Kahit na si Ryan e nandito?"

Nagliwanag ang mga mata namin. Si Ryan nga talaga! Nandito nga talaga silang lahat!

May mga nagsimula nang magbulungan na rinig na rinig naman ng lahat.

"At si Thunder-"

Alam na. Sa tingin ko ay kaya nang bumasag ng salamin ang mga hiyaw naming mga babae dito.

Mabilis naman na tinaas ni Nero ang kanang kamay nya at napatahimik naman kaming lahat, pero hindi na talaga ako makapaghintay.

"Okay, nakita ko sa pala kung anong gusto nyo rito, hindi na ako magtataka," huminto sya sandali, "pero mayroon pang isang bagay na dapat nyong malaman, tungkol ulit sa screenwriter/director namin."

Bakit ba panay sabi nya tungkol sa screenwriter nila? Ganun ba talaga kaspecial yun? Hindi ko naman sila kilala rin naman e.

"Hindi sila masyadong kampante sa mga acting workshop dito sa Pinas, at aayusin pa raw nila kayo dito kaya magiging kakaiba yung audition natin ngayon. Para sa kanila ay niisa sa inyo ay hindi pa nanggaling sa worksop. Ngayon pa lang kayo magsisimula."

...Ano kamo...?


Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon