Chapter 118 - A Series of Events [Part 1]

2 0 0
                                        

-Day 164, Thursday, June 28-

"Eh hehehe Ashton, what if sabihin ko na hindi kita type ah?" sabi ko sa dati kong leading man sabay upo ng straight. "Ano na ha?"

"Oh please lang naman! Kahit isang date lang! Baka malay mo eh bagay tayo! Gusto mo ice cream ha?"

Nag-inat muna ako sandali dito sa upuan ko. Medyo maaga-aga pa naman eh at sa totoo lang eh tinatamad pa nga akong tumanggap ng mga nanliligaw ko ngayon eh. "I'll think about it," sagot ko sa kanya.

"Eh malamang eh yan din yung sinasagot mo sa lahat ng nanliligaw sayo eh! Come on! Gusto ko lang naman ng isang straight answer eh! Pleeeaaase?"

"Lahat ng manliligaw ko eh sinasabihan ko ng ganyan, kaya masasabi mo na rin na stock answer lang yung binigay ko sayo! Eh hehehe!"

Sinimangutan ako ni Ashton sandali at nagpatuloy, "Isang date lang ayaw mo pah. Eh ano itong post mo na sabi mo maghi-hiking ka?" Pinakita pa nya sa'kin yung phone nya na naka-open ng Facebook. "Ikaw lang mag-isa? Sama ako please naman..."

"Nope! Sabi ko lang dyan eh ako lang mag-isa kasi yung kasama ko dyan eh ayaw ng publicity kaya wala ka rin! Andami-dami nating mga spare models dito-lintek na galing ka nga dyan ng PBB tapos liligawan mo akoh? Punta kang BT-7 marami dun!"

"Eh malayo yun eh!"

"Eh di maglakad-lakad ka dyan sa labas!"

"Nagsasawa na ako sa mga babae rito eh!"

"Wait... so marami ka nang babae rito?"

"Er... yeah? Kailangan pa bang tanungin yan? Half-American ako diba?"

"Actually hinde naman na talaga eh. Now umalis ka na muna at nag-iisip akoh! Malay mo eh sagutin na mamaya!"

"Ow talaga? Eh di aalis na nga ako then!"

"Yeah!"

Tumayo na si Ashton at naglakad ng sobrang suave paalis.

"Wow, career na career nya talaga yung ginagawa nya ah," sabi ni Xyra, na kanina pa naka-upo lang sa tabi at hindi nagsasalita. "Eh paano na nga pala yung post mo noon dun sa dati mong manliligaw? Nag-uusap pa ba kayo?"

"Ah si Christian? Nah, sinabi ko lang sa kanya na kailangan ko lang ng space, that's all. Kapag tiningnan mo rin naman yung mga posts nya sa FB nya eh may bago naman na syang girlfriend kaagad-

Nakita ko si Nero dumating na ulit at naupo na sa upuan sa harap ko. O ngayon kaming tatlo na ulit dito under the tent! The gang is complete!

"Hey fellas!" bati nya sa aming dalawa ni Xyra.

"Tamang-tama ka lang, Nero! Bakit nga pala dumarami yung mga NeNa posts nyo ngayon? May event ba?"

"Ah wala lang yun! Awesome rack ah..."

Tinaasan ko ng kilay si Nero, "Lagi nalang bang sasabihan mo ako nyan everytime na lilitaw ka rito?"

"Tama lang na sinabi nya yun,' sabi ni Xyra. "Nilayasan mo na kasi yung Samahang Flat eh."

"Hey girls, baka gusto nyong makita yung beach photos ko!"

Napatingin kaming dalawa ni Xyra sa kanya. "Ows talaga?" tanong ko.

"Sandali at pakita ko sa inyo-wait what?" Nakita kong tiningnan ni Nero yung phone nya na parang hindi man lang maintindihan yung mga nakasulat don. "May mali ah..."

"Ano yan?" Sinubukan kong ilapit pa yung ulo ko para makita ko pero hindi ko talaga abot eh. "Pakita mo naman!"

"Nagmessage sa'kin yung ate ni Thunder-"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon