TAKE HER AWAY

131 17 1
                                    

ETHAN'S POV

Sinuot ko ang coat ko at humarap kay Ashley. Nakaupo sya sa kama at nakatingin sa akin.

Then she do a sweet smile.

Parang ang hirap umalis kapag ganito ka cute ang iiwan mo. Kung wala lang talaga akong misyon tungkol sa misteryo na bumabalot sa katauhan ni Talia ay mag papaiwan na ako dito sa bahay.


Sigh.



"Ash, hindi ka ba talaga sasama?" tanong ko kay Ashley.

Nag nod sa akin si Ashley, "Uhm. Masakit pa kasi ang paa ko kuya."

Hmm...

Naglakad ako palapit sa kama, yumuko ako doon at hinalikan ng madiin ang noo ni Ash. "Sige, mag pahinga ka muna. May gusto ka bang ipabili?"






"Wala naman kuya hehe."



Ngumiti ako kay Ash at tumayo na ng tuwid. "Aalis na ko." sabi ko rito at naglakad na ako palayo.






ASHLEY'S POV

Nang makaalis na si kuya ay nagmadali aking tumayo at lumapit kay na Clint at Dillon.

Buti nalang at nakakapag lakad na ako kahit paika-ika. Pero atleast hindi ko na kailangan ng saklay.

Nang makarating ako sa pwesto nina Clint at Dillon ay hinawakan ko parehas ang kamay nila. Natigilan sila sa paglalaro.




"Mommy?"




"Maligo na muna tayo Clint at Dillon ha hehe. Darating mamaya ang daddy Geoff nyo."









VIOLET'S POV

Pinanood ko si Iya na nakaupo sa kama nya. Nakikipaglaro na ito kay Yeji at konting araw nalang ay makaka recover na sya.

Naglakad ako palapit kay Noah. Nang oras na makarating ako sa pwesto ni Noah ay inabot ko sa kanya ang papel na hawak ko.

Tumingin muna sa akin si Noah kaya ngumiti ako sa kanya, "Yan na ang result ng DNA test mo at ni Yeji."

Pagkasabi ko ng bagay na yon ay nakita ko ang panlalake ng mata ni Noah, ganun din si Yeji na alam ko sa mga oras na to ay kinakabahan na sila.

Pandalas na binuklat ni Noah ang papel, iginala ang mga mata sa letrang nakasulat at kasunod na noon ay ang mga ngiting namuo sa labi ni Noah.







"Shit! Tatay na talaga ko!?" malakas na sigaw na ni Noah na alam kong nagulat pa din sya na sya ang tunay na ama ni Iya.

At masaya ako sa kanilang dalawa ni Yeji. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.





YEJI'S POV

Tinitigan ko si Noah na tuwang tuwa habang binabasa ang DNA result na binigay sa kanya ni Violet.

Sinasabi din nito na sya ang ama ni Iya.

Hindi ako alam ang mararamdaman ko, nasasaktan ako dahil buong buhay ko susamama ako kay Max dahil gusto kong makapiling ni Iya ang totoo nyang ama pero, malalaman ko na si Noah ang totoong ama ni Iya.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now