ASHLEY'S POV
Dinala ako ni Kuya sa bahay namin pagkatapos naming ihatid si Talia sa napaka laking mansyon. Napaka dami ding armadong lalake sa mansyon na yon at bantay na bantay si Talia.
Talagang alagang alaga ni Kuya si Talia. Pero ano pa bang aasahan ko, anak nya ang dinadala nya at si Talia din ang dahilan ng pag di divorce namin kaya naman alam kong mahal na mahal sya ni kuya.
Hmm...
Bakit hindi ko agad nahalata na may relasyon pala silang dalawa.
"Ashley."
Nakatayo lang ako sa may garden at tumitingin tingin sa mga halaman nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at sa pagharap ko doon ay nakita ko si Kuya na naglalakad palapit sa akin.
At ang makita ang mukha nya ay hindi nakakatulong sa oras na to. Nag didilim ang paningin ko dahil naiisip ko lamang na sinaktan nya ako sa nakaraan ko.
Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang pananakit nya sa akin. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon sa kanya ay pipilitin kong pigilan.
Nandito lang naman ako para sa misyon ko kay Yeji. Yun lang yon at hindi ito tungkol sa aming dalawa. Lilisan din ako balang araw kasama si Max kaya walang dahilan para pakelaman ko sila ni Talia.
Nang makalapit sa akin si kuya ay tumayo sya sa likuran ko at niyakap ang dalawa nyang malakas na braso sa bewang ko.
Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ko nagawang umangal.Hinapit ni kuya ang maliit kong katawan palapit sa kanya at kinulong nya ako sa yakap nya. Sobrang higpit na madiing dumikit ang likod ko sa maskulado nyang katawan.
Ang init nito ay bumabalot sa akin kasama ng mabango nyang amoy.
Punong-puno ng proteksyon ang binigay nyang yakap at ang sarap manatili ng ganito sa kanya. Kahit sa sandaling panahon man lang na namo-mroblema ako.
"Ashley pwede ba tayong mag-usap?" Mahinang bigkas nito at napaka pormal ang boses nya. Hindi ko mapigilang mahulog sa boses nito.
Para syang isang dyos na bumulong sa tenga ko at aa boses palang na hi-hypnotized na nya ako.
"Mag usap tungkol saan kuya?" Tanong ko rito.
Naramdaman ko ang malambot na labi nitong dumampi sa itaas ng ulo ko at nang halikan nya ako ay nag simulang bumagal ang tibok ng puso kong kanila lang ay nag wawala.
Pinapakalma ako ng halik nya at nag bibigay kapayapaan sa dibdib ko.
Napakasarap sa pakiramdam.
"Gusto kong ipaliwanag sayo ang tungkol sa aming dalawa ni Talia."
Hmm...
Kapag binabanggit nya mismo ang pangalan ni Talia ay nawawalan ako ng gana sa lahat. Ayoko ng pag usapan si Talia, ang kahit anong tungkol sa kanilang dalawa.
Ayoko ng balikan pa ang nakaraan namin.
Humarap ako kay kuya at pinilit na ngumiti sa kanya, "Wala ka namang dapat ipaliwanag kuya hehe. Diba sinabi ko naman sayo na wala akong pakealam kung may relasyon kayong dalawa---" lakas loob kong sabi rito pero natigilan ako sa pagsasalita nang umimik sya bigla.
![](https://img.wattpad.com/cover/249355571-288-k491525.jpg)
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
DragosteAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...