THANK YOU AND I'M SORRY

115 12 0
                                    

ASHLEY'S POV

Nakatayo ako sa harap ni Sir. Khael at nakatingin sa kanya.

Nakatitig lang sya sa akin habang umiiyak ako, magkasalubong ang kilay nya na alam kong nag-aalala sya sa akin.

"Ash, what's wrong?" Mahinang sabi nya at humakbang palapit sa akin pero umatras ako sa kanya kaya natigilan sya sa paglalakad.

Nandito ako para ayusin ang lahat dahil ayoko ng may masaktan pa ng dahil sa akin. Nandito ako para ayusin ang gusot na nagawa ko.

Total, ako naman ang puno at dulo ng lahat kaya ako din ang tatapos nito.





Huminga ako ng malalim at, "Sir. Khael...patawad sa lahat ng ginawa ko." Simula ko at doon palang sa binitawan kong salita ay bumigay na ako.

Naglabasan lahat ng luha ko pero paulit-ulit ko silang pinunasan. Sinubukan kong lakasan pa ang loob ko para mag patuloy.

Nakatitig ako kay Sir. Khael at muling binuksan ang mga labi ko, "Sorry kung naipasok kita sa gulong to. Sorry kung nasaktan kita ng maraming beses pero gusto kong malaman mo na...totoong minahal kita, minahal kita Sir. Khael." Hagulhol ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Sir. Khael at nang makalapit sya sa akin ay niyakap nya ako. "Ashley anong nangyayari sayo?" Mahinang sabi  ito at punong-puno ng pag-aalala ang boses nya.

Sinubsob ko ang naiyak kong mukha sa chest nya, "Pero yung pagmamahal na yon ay hindi kagaya ng pagmamahal na nararamdaman ko para kay kuya. Sir Khael, mahal na mahal ko si kuya higit sa kahit kanino at sorry kung napaasa kita." Pagpapatuloy ko kaya mas humigpit ang yakap sa akin ni Sir. Khael.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya sa mga oras na to pero nakayakap sya sa akin ng mahigpit at hindi nagsasalita.




"I'm sorry Sir. Khael."



"Shhh. It's alright Ash. I understand, huwag ka ng umiyak." Sabi ni Sir. Khael sa akin at narinig ko ang panginginig ng boses nya.

Nasundan yon ng patak ng luha nya sa itaas ng ulo ko. Mas humigpit ang yakap namin sa isa't isa.


"Kasalanan ko din naman. Kasi pinilit kong mahalin ka kahit na umpisa palang alam kong wala kong pag-asa. Kaya kung nasasaktan ako ngayon, kasalanan ko yon. Wala kang kasalanan doon ha." Sabi sa akin ni Sir. Khael at hinalikan ako sa noo ko tsaka muling nagsalita, "Ginusto kong masaktan kasi mahal na mahal kita at handa akong paulit-ulit na masaktan Ashley kung kailangan." He said.

Lalo lamang akong naiyak sa sinabi nya.

Nablanko ako at hindi ko pa ba alam kung tama ang ginagawa ko. Napaka buting tao ni Sir. Khael at kung umabot man sya sa kasaam ay ako din ang puno at dulo ng lahat ng yon.

Ako lang...

Kasalanan ko tong lahat at sa huling sandali ay sakit pa din ang naidulot ko sa taong to na walang ibang ginawa sa akin kundi alagaan at mahalin ako.

It was all my fault.




I'm sorry I have to do this.





BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now