BEFORE THE PARTY

121 17 0
                                    

DITE'S POV


Nasa garden lang ako ng bahay at iginagala ko sina Cooper at Bubbles. Hawak-hawak ko ang leash ni Cooper at buhat-buhat ko naman sa isang braso ko si Bubbles.

Tahimik lang naman akong naggagala sa garden nang...






O. O







Mahagip ng mata ko ang apat na taong naglalakad sa pathway ng garden.

And they are Ashley, Kit, Phoebe and Leo.





Eh!?









"ASHLEY!" malakas na tawag ko sa kanya.

Lumingon sa akin si Ashley at sabay-sabay silang apat na tumigil sa paglalakad kaya naman tumakbo agad ako papunta sa kanila.

Nang oras na makalapit ako sa kanila ay tumayo ako sa unahan ni Ash at nag shy smile.









"Ashley, pupunta ka ba sa kompanya ni Mr. CEO?" Tanong ko kay Ash.









"Hindi Dite."










O. O








Hindi sa kompanya ni Adrian?

Tiningnan ko si Ashley mula ulo hanggang paa nya pabalik sa mukha nya. Bihis na bihis kasi sya kaya kung hindi sya pupunta sa kompanya ni Mr. CEO ay saan naman sya pupunta?

Teka!?



Huwag mo sabihing papasok sya ngayon sa trabaho nya!?






Pinanliitan ko ng mata si Ashley at nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

"Diba Ashley sinabi sayo ni Mr. President na bawal ka pumunta sa trabaho mo! Isusumbong kita!" Pananakot ko dito.

Ayoko na kasing nag-aaway sila ni Mr. President kasi kapag nag-aaway sila ni Mr. President ay nag-aaway din si Mr. President at si Mr. CEO.









"Hindi Dite. Pupunta ako sa mall, bibili kasi ako ng damit." Ashley said and that made me stop.

Tinitigan ko sya, kinikilatis kung nagsasabi sya ng totoo. Pero hindi ko nagawang maniwala kasi bakit naman bibili si Ashley ng damit hindi ba?

Napaka dami na nyang damit?


Ni-re-reason lang nya yon para makatakas sya dito sa bahay!











"Hindi mo ko malilinglang Ash---" sabi ko rito pero natigilan ako sa pagsasalita ng hawakan ako ni Ashley sa braso ko.

Hinatak nya ako palayo at nang makalayo na kami kay na Phoebe, Kit at Leo ay tinigilan na nya nag paghatak sa akin.






"Ashley?"







Sumulyap si Ashley kay na Phoebe, Kit at Leo, tila kinukumpirma kung malayo na ba kami sa mga ito at pagkatapos ay idinikit ni Ash ang labi nya sa may tenga ko.





BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now