CLAUDE'S POV
Nasa bahay kami nina Brix, kasama ko sina Ethan, Cane, Yuni, Ashley at Valorine.Pinuntahan kasi namin dito si Brix dahil ikakasal na nga si Violet sa isang araw. Niyaya namin ng inuman ang isang to kasi alam namin kung gaano kasakit kay Brix ang lahat ng to though na banggit na nila sa amin na fake wedding lang ang gagawin.
Pero ganun pala talaga ka passionate si Violet pag dating sa trabaho nya. Pati yung mga personal demand ng pasyente nya ay pinagbibigyan nya.
Kung ako kay Brix hindi ko makakayanan na ikasal ang girlfriend ko sa ibang lalake kahit fake wedding pa yon.
Ngayon ay nasa deck kami ng bahay at nakaupo sa harap ng round table. May mga kaharap kaming baso ng champagne.
Kasama ko dito sa deck sina Cane, Ethan at Brix pero sina Ashley, Dite, Yuni, Valorine at Violet ay nasa sala.
May sarili silang usapan, hindi ko alam kung ano yon pero wala akong interest don.
"Mag-ingat ka Brix, baka mamaya nasasalisihan ka na pala." Cane said.
Humagikhik si Brix at ininom ang champange nya bago sagutin si Cane, "Hindi magagawa ni Violet sakin ang bagay na yon."
Hmmm...
Masyadong malaki ang tiwala ni Brix kay Violet pero hindi pa din sya pwedeng makampante. Pabago-bago ang emosyon ng mga tao, walang permanente dito sa mundo.
Pwedeng ngayon mahal pa sya ni Violet pero baka sa susunod hindi nya alam iniiputan na sya sa ulo ng nobya nya.
Who knows diba?
Si Ashley nga alam namin na mahal na mahal nya si Ethan pero...dumating din sya sa punto na nahulog sya sa ibang tao.
Kagaya nga ng sinabi ko, nagbabago ang emosyon ng tao.
Hindi natin to kontrolado, kaya huwag tayong masyadong maging kampante kasi baka sa huli masaktan tayo ng todo.
Speaking of Ashley and Ethan...
Tumingin ako kay Ethan, katabi ko sya at tahimik lang na nag-iinom. Simula nang dumating sya dito ay kanina pa syang tahimik at tulala sa lamesa.
At sa itsura nya...
Mukhang miserableng miserable sya. Sa bagay, hindi ko naman masisise kung bakit sya nagkakaganito. Ang sakit kayang maloko.
"Ethan, kamusta na nga pala kayo ni Ash?" Tanong ko sa kanya. Dahil sa sinabi ko ay nagtinginan din sina Cane at Brix kay Ethan.
Tumingin sa akin si Ethan at pagkatapos ay ibinalik nya ang tingin sa lamesa. Hawak nya ang baso ng champagne nya pero nakapatong lang yon sa lamesa.
"Were...fine." tipid na sagot nya kaya ang hirap paniwalaan. Ang mata nya ay nagpapakita ng sobrang kalungkutan, kasalungat ng naging tugon nya.
Pero sa isang banda, may kasalanan dito si Ethan.
Ano na naman kayang pumasok sa isipan ng kaibigan naming to at nakipag divorce sya kay Ashley para makipag relasyon sa Khael na yon?
Kung tungkol yon sa Natalie na nabanggit sa amin ni Adrian na buhay pa daw, ibig sabihin ba noon ay mahal na mahal pa din ni Ethan ang ex nya?

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...