FACE OFF

124 18 0
                                    

ASHLEY'S POV


Isinuot ni Sir. Khael ang helmet nya sa akin.

Itinaas nya ang bubog nito para matingnan ako sa mata. Ngumiti ako kahit na hindi naman nya nakikita ang mga labi ko.





"Ano tara na?" He asked me.








Si Sir. Khael kasi ang nag traced ng location ni kuya habang kausap ko ito sa phone kanina. Hindi ko akalain na marunong sa ganung bagay si Sir. Khael. Pero hindi ko na din naman nagawang kwestyunin yon.










"Sir. Khael, sigurado ka po ba na sasama pa kayo?" Tanong ko sa kanya.









Tumalikod sya sa akin at sumakay ng motorbike nya, nakatitig lang ako sa kanya. "Oo Ash. Hindi kita maiiwanan ng ganito kagabi, isa pa ay hindi ko kasama ang tatlo mong bodyguards."






Sa bagay, may punto si Sir. Khael.

Boss kasi namin si Sir. Khael, yung ginagawa naming building ay branch ng arm factory nila. Napaka dami nilang property, tsaka lagi naming nakakasama si Sir. Khael kaya alam nya na may tatlo akong bodyguards.











"Halika na Ash. Para maabutan pa natin ang asawa mo." Muling sabi sa akin ni Sir. Khael na nakaupo na sa motorbike nya.


Lumingon ito sa akin at ngumiti.

And his deep blue eyes shone even brighter as he smile at me. It is true that Mr. Khael is 36 years old, pero napaka bata pa din ng itsura nya.



Nakakapagtaka lang na wala pa din itong anak at asawa ngayon. Ayoko naman mangealam sa buhay nya, ang mahalaga nakikita ko na masaya si Sir. Khael palagi.









Tumakbo ako palapit sa motorbike at sumakay doon.










Nang makasakay ako ang marahan kong pinulupot ang dalawa kong braso kay Sir. Khael.














KHAEL'S POV


Napangiti ako nang yakapin ako ni Ashley sa bewang ko.

Sumulyap ako sa side mirror, tiningnan ang napaka ganda nyang mata. They were brown, like a doll. Parang isang dekorasyon, nakakaaliw titigan at hindi ako mag sasawa na paulit-ulit na tingnan yon.









Binuhay ko ang motorbike ko at nag maneho ng mabilis.







Nakasuot ako ng T-shirt pero nararamdaman ko mismo ang init ng katawan ni Ashley na dumadampi sa balat ko.

Totoong napaka lamig ng gabi.









Pero pinaliliguan ako ng mainit na katawan ng manikang kaangkas ko.


















Tahimik lang kami ni Ash habang nasa byahe. Sinusundan namin ang nagalaw na location ng asawa nya na si Ethan at ilan sandali pa ay tumigil si Ethan sa isang lugar.








BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now