VIOLET'S POV
"Oh, bakit malungkot ka?" Yuni asked me.
Nakaupo ako sa upuan at nakatayo si Yuni sa harapan ko dahil sya ang nag me-make up sa akin. Nandito din sa kwarto sina Dite at Valorine.
"Sino bang hindi malulungkot, ikakasal si Violet sa lalakeng hindi naman nya mahal." Narinig kong sabi ni Valorine.
Napabuntong hininga nalang ako at binaba ang tingin ko sa phone kong nakapatong sa hita ko. "Kanina ko pa kasing kino-contact si Brix pero naka off ang phone nya. Kanina pa akong nag-aalala sa kanya." I said.
"Alam mo Violet, huwag mo ng pilitin pa si Brix na dumalo ng kasal. Nasasaktan ang isang yon, hayaan mo na muna sya." Yuni said.
Natahimik ako dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa kanila.
Pero ang totoo nyan ay punong-puno ako ng kaba. Gusto ko kasing nandun si Brix para maging lakas ko pero ngayon na hindi ko sya makontak hindi ko na din alam kung paano ako haharap kay Jed mamaya.
(Door slammed open)
O. o
Natigilan kami sa pag-uusap nang marinig namin na padabog na nagbukas ang pintuan ng kwartong to. May ideya na din ako kung sino ang nagbukas noon.
Nang oras na lingunin ko ang pintuan ay hindi ako nagkamali ng hinala. Si Ashley ang taong pumasok sa loob ng kwarto.
Naka crossed arms ito at busangot na busangot ang mukha.
Napataas ang kilay ko dahil, bakit ganito ang itsura ng isang to?
"Anong nangyari sayo? Agang aga mo ah." Yuni said at Ashley.
Nag pout si Ashley at padabog na naglakad papunta sa kama. Naupo sya doon, nanatiling naka crossed arms at nagsalita.
"Si Kuya kasi basta-basta nalang sya nawawala! Iniwan ba naman kami nina Clint at Dillon kaninang madaling araw! Galit ako sa kanya!" Ashley said angrily.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapahagikhik dahil napaka cute ng isang to. Lalo pa at naka pout ang bibig nya, pinapawi nya ang kaba na nararamdaman ko.
"Ewan ko sayo inyonh dalawa." Mataray na sabi ni Yuni dito dahil alam kong sawang-sawa na sya sa mga kalokohan ni Ethan at Ashley.
Nakakasagad naman talaga ng pasensya ang dalawang mag-asawang to.
Tumingin si Yuni kay Dite at, "Dite pakibihisan na yang si Ashley. Mamaya ikakasal na si Violet, kailangan ko pang ayusan ang isang yan." She said.
Ngumiti si Dite at kinuha ang damit na naka hang na susuotin ni Ashley, "Ok hehe." Dite replied and ran towards Ashley.
Muli akong natahimik at tumingin sa phone kong nasa hita ko habang si Yuni ay patuloy pa din sa pag-aayos sa akin.
Hmmm...
Nasan ka na Brix?
Sana naman pumunta ka sa kasal, hindi ko kayang magpakasal kay Jed kung wala ko don. Wala akong lakas ng loob.
"Wag ka na ngang malungkot jan. Susunod yon sa kasal, hindi mo kailangan stressin ang sarili mo." Sabi sa akin ni Yuni at kinuha ang phone.
Pinanood ko syang dinala ang phone ko sa drawer na nasa harapan namin at tinago doon.
"Pero Yuni..."
"Violet, keep yourself!" She said.
Hindi ko na nagawang magsalita dahil sa sinabi ni Yuni. Siguro nga tama sya, huwag ko na muna kulitin si Brix dahil mahirap sa kanya ang lahat ng to.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
