A LOT HAS CHANGED. A LOT HAD TO CHANGE.

131 18 1
                                    

ETHAN'S POV

Tumingala sa akin si Ashley, pipikit pikit pa ito dahil inaantok na sya. Wala pa din kasi itong tulog buong magdamag, nag-alala din kasi sya ng husto para kay Iya.


Yumuko ako at hinalikan ang ilong ni Ashley, nag shy smile ito sa akin at kahit na pagod na pagod ako ay napawi yon. Napaka sarap makita ng ngiti ni Ash, isang gamot na nakakatanggal ng problema.





"Kuya gutom na ko hehe."







Ngumiti ako at tumayo. Hinawakan ko ang kamay nito, at inalalayan syang tumayo. "Kumain muna tayo sa labas habang hindi pa dumadating si Hunter." Sabi ko kay Ashley.





Nag nod sya sa akin.

Sabay kaming naglakad, tinahak namin ang hallway at lumabas sa exit door.









Nang makalabas kami sa exit door ay pinag patuloy namin ang paglalakad. Sa labas kasi ng hospital na ito ay may ilang restaurant na pwede naming kaininan ni Ash.









After a few minutes of walking...











Tumigil kami ni Ashley sa isang fast foor resto. Kinakalyula ko kasi sa isip ko kung hanggang anong oras kami pwedeng manatili sa labas.

Kailangan kasi ay nandun ako sa hospital, oras na dumating si Hunter.









"Kuya tara na hehe." Ashley said at me and grabbed me on my arm. Hinigit nya ako papasok sa loob ng fast food resto.




Napangiti nalang ako sa kinilos nya.

Kahit walang tulog ang isa to ay walang kakupas kupas ang kakulitang taglay nya. Hindi sya nakakasawang kasama.





Pinagpatuloy akong higitin ni Ashley hanggang sa makarating kami sa counter. Pumila kaming dalawa doon.

Kagaya ng dati ay may mga ilang tao na tumititig sa akin. Hindi ko alam kung sa gwapo kong mukha ko sa kakaiba kong mata.


Pero kahit titigan nila ako ay sanay na ako sa bagay na yon. Binabalewala ko nalang at tinuturing ko silang parang hangin.







Ang nakikita ko lang ay si Ashley.

Sya lang ang babaeng nag e exist sa mundo.











"Ash. Anong gusto mong orderin?" Tanong ko kay Ashley habang nakatingin ako sa screen na nasa counter kung saan doon naka display ang mga pagkain.




Hinintay ko si Ashley na sumagot.








Pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong natanggap ni kaunting tinig sa kanya kaya naman inilipat ko ang tingin ko sa kanya.







Nakita ang asawa ko na namimilog ang mga mata. Pinag-aralan ko ang reaksyon nya at napansin na may isang nakakatakot na bagay syang tinititigan.

Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinititigan nya.

At sa oras na dumapo ang tingin ko sa lugar na yon ay nakita ko lang ang dalawang tao na nakaupo sa isang table. Isang babae at isang lalake na naghahagikhikan habang kumakain.


BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now