FRIENDS

125 18 0
                                        

ETHAN'S POV

"Pano ba yan Sir. Ethan, I need to go."

Tumayo si Talia mula sa pagkaka-upo nya. Tinitigan ko lang sya at hindi mapigilang mapangiti.

Pakiramdam ko ay napaka halaga nya sa akin. Napaka lapit ng loob ko sa kanya, marahil ay dahil sa taglay na kabutihan ng puso nya.

"Sir. Ethan, see you around." muling sabi nito sa akin bago tumalikod.

Nakaupo lang ako at nakatitig sa pag-lisan nya. Ilan sandali pa ay nawala na sya sa paningin ko pero nakatatak sa isipan ko at pisikal na anyo nya.

The way she speak,  they her eyes look at me, kuhang kuha nito si Natalie. Naaalala ko sa kanya ang girlfriend ko sa kahit saang anggulo.



Hmm...


Iniling ko ang ulo ko at pwersang inalis sa isipan ko si Natalie. Ayoko ng balikan ang tungkol sa amin ni Natalie.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad na din palayo.

I glanced at my watch, tiningnan kung anong oras na. Maaga pa naman para sunduin si Ash, pero ok na din dahil hindi na ako makapag hintay na makasama sya.

Gusto ko din na makasama sya sa lunch.






ZION'S POV

Nasa kwarto ako at nakaupo sa upuan. Kaharap ko ang sketchpad ko at cretacolor monolith graphite pencil ko.

Nakatitig lang ako sa banyo dahil nandoon si Ashley. Pinag suot ko kasi sya ng Lolita light gray gown, isa sa mga gown ni mommy.

May mga ganung gown ang ina ko dahil paborito ko ding subject sa sketching si Mommy.

My mom is pretty, lagi kaming napagkakamalan na mag karelasyon sa tuwing lumalabas kami na magkasama. Mukha kasing nasa bente lang ang edadan nya.




(Creaking door sound)





Ilan sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ng banyo.

Nakita ang isang napaka gandang diwata mula sa likod ng pintuan ng banyo.

Ang mga labi nya ay natural ang pagkapula na hindi nya kailangan ng kahit anong kolorete. Maputi ang balat na tila sasambahin mo ito at mukha lamang syang nabubuhay na manika.

Napaka ganda ni Ashley.


Dahan dahan na itinapak ni Ashley ang bare foot nya sa sahig. Parang naglaho ang sahig at napaltan ito ng tubig, gumawa ng round waves sa palibot ng bawat paghakbang ng diwata.

Palapit sa akin.


Napaka bagal ng pag hakbang, kasing bagal ng pintig ng puso ko.

Ang paligid ay binalot ng mga pulang rosas at mga kumikinang na paru-paro. Ashley brought me into a beautiful paradise.

Talagang napaka lakas na ng tama ko sa babaeng to. Anong meron sa kanya at nabaliw ako ng ganito? Sa kanya lang ako nakaramdaman ng ganito.













BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now