ASHLEY'S POV
Tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa natuklasan ko.
Kung ganun ay totoo ang lahat ng hinala ni kuya, totoong may kasaysayan ang lahat ng pinagawa nya sa akin dahil...
Si Sir. Khael nga si Poseidon, ang taong sinasabi nyang bumili sa akin sa Noxious bidding house apat na taon na ang nakalipas.
"Ashley..." Sir. Khael said weakly and lifted his hand. Nakita kong hahawakan nya ang pisnge ko kaya nawala ako sa pagkakatulala ko sa kanya.
Hinampas ko ang kamay nito palayo sa akin tsaka mabilis na inangat ang hawak kong baril at tinutok yon sa ulo nya.
Nanlake ang mga mata ni Sir. Khael sa ginawa ko at itinaas pa nya ang dalawang kamay nya sa ere na alam kong nagulat sya sa kinilos ko.
Pero masisise nyo ba ako?
Sya ang lalakeng sinasabi ni kuyang nagbabanta sa buhay naming lahat at malay ko ba kung saktan nya ako ngayon.
"Ash put the gun down---" mahinahong sabi nito pero pinagsalubungan ko sya ng kilaya.
"Bakit mo ginagawa ang lahat ng to!? Balak mo ba kong saktan, balak mo bang saktan ang pamilya ko!?" Galit na sigaw ko sa kanya.
Nangunot ang noo nito at, "What are you talking about? Bakit kita sasaktan at bakit sasaktan ko ang pamilya mo!?" He said.
At natigilan ako sa sinabi nya.
Tinitigan ko lang sya, nag dedesisyon ako sa isipan ko kung maniniwala ba ako sa sinabi nya. Pero natatakot ako na baka pag nag tiwala ako sa kanya ay pagsisihan ko.
"Anong totoong motibo mo sakin!?" I shouted angrily.
"Ashley! Anong nangyayari sayo? Ilang taon na tayong nagkasama at alam mong kahit kailan hindi kita sinaktan---"
"Pero bakit bumalik ka pa!?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan si Sir. Khael sa sinabi ko at nanatiling nakatutok ang baril ko sa noo nya.
Tinitigan ako ng mga asul nitong mata, walang emosyon at napaparalisa ako.
Hanggang sa...
"Ahh!" Napasigaw ako ng malakas nang hablutin nya sa akin ang hawak kong baril. Akmang aagawin ko pa sana sa kanya muli ito pero binato nya ang baril palabas ng kotse.
"Ahh! Bitawan mo ko---" hinawakan kasi ako ni Sir. Khael sa dalawa kong pisnge kaya umirit ako. Sinubukan kong kumawala pero nagtulak lamang yon kay Sir. Khael na...
Halikan ako sa labi ko.
At sa tuwing tinatangka kong ilayo ang labi ko kay Sir. Khael ay mas dumidiin lamang ang ito sa akin at kahit anong gawin ko ay hindi ako makatakas sa kanya.
Ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak.
Nang maramdaman ni Sir. Khael ang mga luha ko sa balat nya ay itinigil nya ang halik na ginagawa nya sa akin.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomantikAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...