Those who are heartless, once cared too much

130 17 1
                                    

ETHAN'S POV

Ilang minuto na ang lumipas simula nang lumabas si Ashley at Talia.

Nag-aalala na ako sa pwedeng mangyari kaya naman hindi na ako nakatiis. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa desk chair ko at naglakad papunta sa pintuan ng office ko.

Nang makarating ako doon ay binuksan ko ang pintuan.






(Creaking door sound)







Sa pagbukas ko ng pintuan ay...







O. O






Nakita ko si Talia na naglalakad palapit sa office ko. Sobrang lapit na nya pero nakita ko si Ashley na tumatakbo palapit kay Talia.

Sobrang bilis ng mga nangyari at nakita ko nalang na bumagsak si Talia sa sahig dahil sa ginawang sampal ni Ashley na syang nagpakulo ng dugo ko.

Nakaramdam ako ng matinding galit sa ginawa ni Ashley lalo na at nakita kong dumugo ang labi ni Talia.



Talagang malala na ang babaeng to!










Gumawa ako ng malaking hakbang kay Ashley, ang dibdib ko ay tumataas baba sa galit. Magkasalubong ang kilay ko at hindi makontrol ang sarili ko dahil sa tindi ng galit na bumalot sa akin.

Walang kadala-dala tong si Ashley!



Sinabi ko na huwag na huwag syang mananakit ng kapwa nya! Kung hindi sya matututo ay kailan pa!










Nang makalapit ako kay Ashley ay tinago nya sa likod ang kamay nyang pinangsampal kay Talia kaya lalo lamang akong nabwiset sa kanya.


Hinawakan ko ang braso ni Ashley ng sobrang higpit.










"Kuya sorry!" Mabilis na umiyak si Ashley pero hindi ko sya pinakinggan. Kinaladkad ko ito paalis.


Iyak ito ng iyak at wala na akong pakealam sa mga taong nakakakita sa amin.

Sagad na sagad na ako kay Ashley!




Hindi nya kayang magtanda!










Sumakay ako ng elevator hawak hawak si Ashley sa braso nya. Hindi ko sya nagawang bitawan kahit naririnig ko ang pag-iyak nya.

Nang oras na mag bukas na ang pintuan ng elevator at nakarating kami sa ground floor ay hinatak kong muli si Ashley palabas.












"Kuya sorry!" Umirit na si Ashley pero hindi ko sya pinakinggan.

Nakasunod din sa akin si Lei at Ryle. Nakahawak sila kay Ashley, "Mr. President kumalma po kayo." Saway sa akin ni Lei.








Hindi ko sila pinansin at dinala ko si Ashley sa pintuan ng kompanya.

Nang makatapak ako sa labas ay tinulak ko si Ashley sa labas ng kompanya. Napaupo ito sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ko.





Nakuha namin lahat ng atensyon ng empleyado.










Dinuro ko si Ashley, patuloy lang sya sa pag-iyak. Lumuhod si Lei at Ryle sa tabi nito tsaka niyakap si Ashley.






BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now