At Yukon, Canada...
ETHAN'S POV
"Kuya, Clint at Dillon..."
"Sana nandito kayong tatlo kasi kahit sa huling sandali gusto ko kayong makasamang tatlo. Gusto kong naramdaman ang yakap nyo pero napaka imposible na dahil wala na akong oras kaya dito ko nalang kayo yayakapin nya."
"Kuya I'm sorry kung nasaktan kita. Sorry kung palagi nalang, pero pangakong hindi ko na uulitin yon. Wala na ulit mananakit sayo."
"Ayokong mawala kuya! Ayokong iwan kayo nina Clint at Dillon. Gusto ko pang makasama kayo pakagi at gumising araw araw kasama kayo. Gusto kong kumain ng breakfast, lunch at dinner kasama kayo. Gusto kong makasama kayo palagi mag shower at gusto ko kayong makasama hanggang sa pagtanda ko."
"Kuya takot na takot ako na iwan kayo."
"Pero kailangan kong lakasan ang loob ko kasi kuya...Ayoko ng may mananakit sa inyon tatlo."
"Pero kahit wala na ko kuya at oras na mapanood mo to. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, kayong tatlo nina Dillon at Clint. Hindi ko ginawa to dahil gusto ko kayong iwan, ginawa ko to kuya kasi gusto ko kayong protektahan."
"I love kuya...Good bye."
Hmmm...
Buhay na buhay sya sa video na to.
Sa isang araw siguro, kada oras ko nalang pinapanood ang last message sa akin ni Ashley at kahit ilang buwan na ang lumipas, masakit pa din ang tama sa akin ng lahat.
"Daddy, naiyak ka ba?"
Agad na pinahid ko ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Clint.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong lumabas sya ng bahay. Kasama nya si Dillon at ngayon ay naglalakad ang dalawa kong anak palapit sa akin.
Nandito kasi ako sa may labas ng bahay at nakaupo sa bench ng garden. Gabi kasi at napagmamasdan ko ang Aurora borealis sa langit.
Gustong gusto ko silang pinagmamasdan dahil ito ang huling bilin sa akin ni Ashley bago nya ako iwan.
Ang pumunta kaming apat dito kasama sina Clint at Dillon.
Hiniling nya sa akin na pumunta kami dito, pero napakadaya at hindi tumupad sa pangako si Ashley. Kasi kami lang nina Clint at Dillon ang nandito sa Yukon, Canada at nag i-star gazing.
Lumapit sa akin si Clint at Dillon.
Nang makalapit sila ay binuhat ko silang parehas at kinalong sa mga hita ko. Kagaya ko ay tumingala sila at pinagmasdan ang aurora borealis sa hangin.
Napaka daming bundok at puno sa paligid. Nababalutan din ng snow ang paligid kaya naman sobrang lamig dito.
Napaka payapa at napaka ganda dito.
Nag bibigay ito ng kakalmahan sa puso ko. Ito ang lugar na gusto kong puntahan upang pagbigyan ang huling hiling ng asawa ko.
Kasi kahit wala na sya...
Nandito lang ako palagi para sa kanya. Paulit-ulit ko syang papasayahin at alam ko na kung nasaan man sya, alam kong masaya syang pinapanood kami nina Clint at Dillon.
"I miss mommy." -Clint
Niyakap ko ng sobrang higpit si Clint at Dillon sa braso ko dahil sa sinabi ng anak ko. Nagbagsakan ang luha ko habang nakatitig sa Auora Borealis sa kalangitan.
"I miss her too Clint. I miss her so much." Mahinang sabi ko habang umiiyak pero kahit masakit sa akin ang lahat ay kumurba ang ngiti sa labi ko.
Ashley Rei...
Kung nasaan ka man ngayon, gabayan mo kami palagi nina Clint at Dillon kagaya ng sinabi mo sa huling message mo.
Pangako ko din sayo na aalagaan ko ng ayos ang mga anak natin.
Salamat sa panahon na pinaheram ka sa akin.
Mahal na mahal kita Ashley...
YouTube Channel: Cinderelams
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...