ASHLEY'S POV
Itinigil ni Max ang Gladiator truck nya dahil nakarating na kami sa destinasyon naming dalawa.
Mabilis kong hinawakan ang pintuan ng sasakyan at binuksan yon. Bumaba ako ng sasakyan at tumakbo palabas dito.
Ginala ko ang tingin ko sa paligid.
Kagaya ng dati ay napaka payapa dito. Napaka daming puno at napaka tahimik. Kalmado ang hangin at naghahatid ito ng kapayapaan sa dibdib ko.
Humakbang ako palapit sa bangin kung saan matatanaw ko ang dagat mula dito.
Bumababa na ang araw at mamaya pa ay makikita ko na ang bituin ang buwan. Ang langit ay kulay orange na medyo nag na-violet na.
Napaka ganda sa mata...
Ang mga ibon lamang sa himpapawid ang naririnig ko sa tenga ko.
"Ash..." hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Max.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang naglakad papunta sa deck ng sasakyan. May hawak syang blanket at nakita kong nilatag nya yon sa deck.
Napangiti ako at mabilis na humakbang papunta kay Max.
Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan nya ako sa magkabila kong bewang. Binuhat nya ako paupo sa deck at humagikhik ako ng gawin nya yon.
Umakyat din sa deck si Max at nahiga doon.
Nahiga din ako at yumakap sa bewang nya. Ang ulo ko ay ipinatong ko sa chest nya. Nakatitig lamang ako kay Max habang parehas kaming nakahiga sa deck.
Ang asul nitong mata ay nakatitig sa kalangitan.
Napaka ganda ng asul nyang mata at napaka gwapo din nya kaya panong hindi ka mahuhulog sa kanya?
Inangat ko ang isa kong kamay at dinala yon sa mata nya. Pinikit ni Max ang isa nyang mata nang maingat kong hawakan yon.
Ang mahaba nyang pilikmata ay bahagyang kumikiliti sa mga daliri ko at habang tinititigan sya ay mas nahubulog lamang ako sa kanya.
"Max...ang gwapo mo." Mahinang sabi ko sa kanya.
Humagikhik ito at inangat ang isa nyang kamay, hinawakan nya ang kamay kong nasa mata nya at inalis yon don. Ibinalik nya ang kamay ko sa bewang nya kaya naman niyakap ko nalang sya ulit.
"Pogi huh." he chuckled.
Ngumiti ako at tumingin din sa langit. Pinagmasdan ko ang ngayon ay dumidilim ng langit. Ang malamig na hangin ay humahampas sa balat ko pero hindi ko magawang lamigin dahil sa mainit na katawan ni Max na niyayakap ko.
"Max..." I uttered his name weakly.
"Hmm?"
Nakatitig lang ako sa langit pero kung ano-anong bagay ang nakikita ko sa harapan ng mata ko. Ngayon palang ay na iimagine ko na ang magiging future namin ni Max.
Pagnakuha na nya ang baby nya, pagnakuha ko na din sina Clint at Dillon ay magiging malaki kaming pamilya. Madadagdagan pa kami kung magkaka-anak pa kami ni Max at hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na yon.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Любовные романыAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
