KEEP THE PROMISE

136 18 0
                                    

VIOLET'S POV

*Regain consciousness*







Marahan kong minulat ang mata ko mula sa mahimbing na pagkakatulog. Naupo ako mula sa pagkakahiga ko.

Inangat ang dalawang kamay sa ere at akmang mag-iinat nang...












"Violet."








O////////O






Nakarinig ako ng boses ng isang tao sa loob ng kwarto ko. Ibinaba ko agad ang kamay ko at napayakap sa katawan ko dahil nakasuot lang ako ng satin sleep dress.


Hinanap ko ang taong nagsalita at nakahinga ng ayos nang makita ko na si Valorine at Yuni ang nasa loob ng kwarto ko. Nakaupo sila sa lounge sofa parehas at nakatitig sa akin.










"Valorine, Yuni, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Inangat ko ang kamay ko papunta sa table at inabot ang pajama robe ko doon. Nang makuha ko yon ay sinuot ko agad yon.














"Violet, ano na bang nangyari sa inyo ni Brix?" -Yuni











O. O





Natigilan ako sa sinabi ni Yuni.

Tinitigan nya ako ng malalim at ganun din si Valorine na para bang nanghihinge sila ng sagot. Pero hindi ko kayang sagutin ang tanong na yon.

Tumayo ako at iniwas ang tingin sa dalawa. Naglakad ako papunta sa banyo. The moment I reached the comfort room, kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan yon ng toothpaste.


Sunulyap muna ako sa labas ng banyo, nakita na nakatitig pa din sa akin si Valorine at Yuni. "Nasan pala si Dite at Ashley?" Tanong ko sa dalawa, maiba lamang ang topic at pagkatapos ay nagsimula na akong magsipilyo.








"Si Dite kasama ni Adrian. Nabili sila ng Hacienda, si Ashley naman nasa trabaho. Ngayong nasagot na namin ang tanong mo, sagutin mo naman ang tanong namin. Kamusta na kayo ni Brix." Yuni replied.







Napapikit ako ng madiin dahil hindi ko na matatakasan pa ang tanong na yon.

Naglakad ako palapit sa sink at pinagpatuloy ang mag sipilyo hanggang sa matapos ako. Then I took the gargle.







Akmang mag ga gargle na ako pero nakita ko si Valorine na pumasok ng banyo. Hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan ako mag gargle.

I looked at her, sinalo nya ang tingin ko. Walang emosyon si Valorine at alam kong seryoso sya. "Sinabi ni Cane sa akin na kausapin kita tungkol kay Brix dahil simula ng magtalo kayo ay nilulunod ni Brix ang sarili nya sa alak." Walang paligoy ligoy na sabi sa akin ni Valorine.






Nagsalubong ang kilay ko at napangiti ng konti. Ibinaba ko ang gargle sa sink at humarap kay Valorine. Naglakad din si Yuni palapit sa banyo at sumilip sa pintuan. Tinitigan nya ako, silang dalawa ni Valorine.

Natetensyon ako sa tingin nila pero pinanatili kong kalmado.




I took a deep breath, naghanap ng lakas ng loob na sagutin ang tanong na yon. "Valorine, Yuni. Hindi nyo na kailangan pang mag-isip tungkol sa amin ni Brix, tapos na ang saming lahat."









BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now