FIRST STEP WAS FAILED OR NOT?

124 17 0
                                    

ETHAN'S POV

Napaatras kami parehas ni Khael dahil sa pwersa ng suntok na binigay namin sa isa't isa.

Ang dugo sa bawat kamao namin ay pumapatak sa sahig. Nang oras kasi na magtama ang mga kamao namin ay nag cut ang mga suntok namin sa bawat isa.

Aatake sana muli ako pero mabilis na yumakap si Talia kay Khael kaya natigilan ako. Tumayo ako ng tuwid sa harap nilang dalawa habang ang dibdib ko ay tumataas baba sa galit.

Ang mga mata ko ay nakatitig sa mukha ng gagong yon at sa loob loob ko at gustong-gusto ko syang patayin dito mismo ngayon.




Ilan sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap ni Ashley sa braso ko at, "KUYA MANIWALA KA! WALA KAMING RELASYON NI SIR KHAEL! MAGKAIBIGAN LANG KAMI!"






O. O




I stopped.

Nabalot ng katahimikan ang paligid pagkatapos sabihin ni Ashley ang mga bagay na yon. Lumingon ako rito upang matitigan ko sya.

Sa pagharap ko sa kanya ay nakita ko ang magkasalubong nitong kilay, "Kuya maniwala ka sakin. Wala kaming relasyon ni Sir. Khael."






At kasabay din ng mga katagang yon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ang mga salita ni Ash ay nagsimulang bagabagin ang isipan ko. Dahil bakit kailangan sabihin ni Ashley ang bagay na yon?








"Kuya please wag mo kong pagdudahan!" -Ash







Hindi kita pinagdududahan Ash...

Pero bakit sobrang defensive mo?











Hanggang sa narinig ko ang isang paghagikhik mula kay Khael. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at binola ang kamay ko sa isang kamao.

Pinagsiklaban muli ako ng galit dahil nakita ko ang pagngisi sa akin ng lalakeng yon. Ang mga mata ko ay nagdidlim, na kung hindi lang yakap-yakap ni Ashley ang braso ko ay baka nasunggaban ko na ulit ng suntok ang Khael na yon.













Then Khael parted his lips and said, "Ethan, maniwala ka kay Ash. Wala kaming relasyon." He chuckled.

Dammit.



Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at kumawala kay Ashley. Gumawa ako ng mabagal na hakbang palapit kay Khael at nang makarating ako sa harapan nya ay tumayo ako ng tuwid.

Mayabang kong tinaas ang chin ko kay Khael at ganun din sya sa akin. Wala akong pinakitang emosyon pero sya ay nanatiling naka ngisi sa akin.















"Layuan mo ang asawa ko."























"Pano kung ayoko."















My eye dim.

I lifted my hand and grabbed Khael's collar, pero nang oras na dakmain ko ang collar nito ay tinulak ako ni Talia palayo dito.

I gaze down at Talia. Nasa harapan ko din sya at pumapagitan sa amin ni Khael. Magkasalubong ang kilay nito na alam kong nagalit sya sa ginawa ko.








"ETHAN PWEDE BA! WAG MONG PAG HINALAAN SI KHAEL KAY ASHLEY DAHIL HINDING-HINDI PAPATULAN NG ASAWA KO ANG MALANDING BABAENG YAN----" sigaw sa akin ni Talia at kahit sya si Natalie ay hindi ko napigilang makaramdam ng galit sa sinabi nya laban sa asawa ko.




BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now