KHAEL'S POV
Sumugod ako sa bahay nina Ashley dahil narinig ko sa phone call namin kanina ni Ash ang boses ni Ethan. Masama ang pakiramdam ko dito, sa palagay ko ay pinagbubuhatan ni Ethan ng kamay ang mag-ina nya.
Malaman ko lang na si sinasaktan na naman ni Ethan ang mag-ina nya ay ilalaban ko na ng patayan si Ashley!
Nang oras na makarating ako sa bahay nina Ethan ay tinapakan ko ang brake pedal ng kotse ko. Pinarked ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate nina Ethan.
Then I went out of the car, mabilis akong humakbang palapit sa gate.
Papasok sana ako rito pero putang-ina sobrang daming bodyguards sa loob ang nakatingin sa akin.
Tumayo lang ako sa tapat ng gate at pinagmasdan ang paligid. Sunod ay kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko at inangat sa harapan ko.
Mabilis kong dinial ang number ni Ashley.
Sinagot naman agad yun ni Ashley kaya dinala ko ang phone ko sa tenga ko. "Ashley---"
"Sir. Khael umalis ka na!"
O. O
Sandali akong natigilan dahil narinig kong naiyak si Ashley sa kabilang linya ng phone.
"Ashley anong nangyayari? Ayos kalang ba? Nandito ako sa labas ng gate nyo, lumabas ka dito mag-usap tayo---"
"Just leave! Please umalis kana lang! Tut...Tut...Tut..."
"ASHLEY!" sigaw ko sa phone pero tuluyan ng naputol ang tawag.
Nagsalubong ang kilay ko at sinimulan ng pagsiklaban ng galit dahil sigurado akong si Ethan ang may kagagawan ng lahat ng to.
Hindi ko na din naman na tiis kaya humakbang na ako papasok ng gate.
Sa paghakbang ko paloob ay...
(Gunshot)
ASHLEY'S POV
"Just leave! Please umalis kana lang!" Sigaw ko sa phone ko pero hinablot agad ni kuya yon at ibinato sa sahig.
"Kuya naman!" I whined at him. Ang luha ko ay patuloy sa pagbagsak dahil hindi ko na makontrol pa si kuya.
May hawak itong baril at galit na galit ito, alam kong sasaktan at sasaktan nya ang boss ko.
Tinalikuran ako ni kuya at nagmadali syang bumaba ng hagdan papunta sa unang palapag ng bahay. Natatakot man ako sa kanya ay nagawa ko pa ding sundan sya.
"Kuya! Paaalisin ko nalang sya!" Sabi ko sa kanya habang nalulunod ako sa sarili kong mga luha. Pero tila nabulag na si kuya ng galit nya para kay Sir. Khael dahil hindi na nya ako pinapansin.
Hanggang sa...
Makarating kami ni kuya sa ikalawang palapag. Mas lalo pa akong natakot kaya naman napilitan na akong hawakan sya sa braso nya.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...