BEWARE OF THE DEVIL BEHIND THE SMILING EYES

132 19 0
                                    

ETHAN'S POV

Pumunta kami ni Adrian sa organisasyon dahil sinabi nya na nandun nga daw may posibilidad na pumunta ang asawa ko.

Medyo nakakagulat sa akin ang rebelasyon ni Adrian.

Ganun na ba kasira ang tuktok ni Ashley para tumorture sya dahil sa lintek na selos sa ex-fiance nya!?

Hindi talaga maganda ang epekto ng paghiwalay ko kay Ashley sa apat na taon!

Ilan sandali pa ay nakarating na kami ni Adrian sa organisasyon. Pinarked ko ang kotse ko at nagmadaling bumaba.

Ganun din si Adrian.

Sabay naming tinahak ang pathway ng mansyon. Habang nag lalakad kami ay iginagala ko ang tingin ko sa paligid.

Matagal na panahon na din ng huling nakatapak ako sa lugar na to at napaka dami ng pinagbago ng organisasyon.

Napaka dami ng mga tauhan dito, pinag-sanib na ang pwersa ni Adrian, pwersa ni Mr. Moore at ang Red Admiral.

Napaka lakas na ng organisasyong pinamumunuan ni Ashley. Hindi na nakakapagtaka na napaka husay na din ni Ashley sa lahat ng bagay, dahil napamunuan nya ng ayos ang organisasyon na to.

Hindi ko na pwedeng basta basta maliitin ang kakayahan ng babaeng yon.

Habang naglalakad kami ni Adrian ay...



O. O

May narinig kaming paparating pang sasakyan kaya lumingon kami doon. Mula sa gate ng mansyon na to ay may pumasok na isang kotse at nag parked katabi ng sasakyan namin ni Adrian.

Nakilala ko namam agad kung sino ang may-ari ng kotse na yon. Wala iba kundi si Geoff.

Mabilis na nabago ang mood ko ng makita ko na nandito si Geoff. Nagsalubong ang kilay at nag crossed arms.

Lumabas si Geoff ng kotse nya at tumakbo papalapit sa amin.



"Anong ginagawa ng isang yan dito?" Inis na sabi ko kay Adrian.


Bumuntong hininga si Adrian at sinagot ako, "Ethan. Kilala ni Geoff ang kilos ni Ash at sigurado akong alam na nya na may ginagawang kalokohan si Ashley sa loob."

Pero hindi yun ang gusto kong sagot!

Ang gusto kong malaman ay kung bakit pumunta pa sya dito? Wala na naman syang karapatan at tapos na ang sa kanila ni Ash!

Nang makarating na si Geoff sa harapan namin ay nagtitigan kami pero umiwas din sya ng tingin at humarap kay Adrian.


"Adrian." -Geoff

"Oo Geoff. Alam ko na ang nangyari." Sabi ng kapatid ko at tumalikod. Nagmadali muli itong maglakad palayo, "Kaya bilisan nyo ng dalawa. Baka mahuli na naman tayo!" Adrian added.



Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Adrian.  Hindi ko na din muna pinagka-abalahan pa si Geoff dahil si Ashley ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now