EXCEEDING THE LIMIT

135 17 0
                                    

ASHLEY'S POV

Naglakad kami palayo ni Dite sa conference room. Dala dala ko pa din sa mga braso ko ang tray ng macaron.

Nagalit na naman yata sa akin si kuya dahil sa nagawa ko. Talagang nag bago na si kuya, siguro nga wala na syang gusto sa akin.

At kahit anong gawin ko...

Hindi na kami babalik ni kuya sa dati.





"Ash, halika dito muna tayo maupo." Sabi sa akin ni Dite at hinawakan ako sa braso ko. Hinigit nya ako papunta sa isang bench at parehas kaming nakaupo doon.

Nakatulala lang ako sa kawalan.

Iniisip kung ano na ba ang dapat kong gawin. Sobrang hirap na hirap na ako sa trato sa akin ni kuya. Pero ayoko pa din sumuko.

Ayokong mawala sa akin si kuya.














"Ash, wag ka ng umiyak." -Dite














Tumingin ako kay Dite dahil sa sinabi nya. Inangat nya ang dalawa nyang kamay at pinahid ang pisnge ko na ngayon ko lang napagtanto, umiiyak na naman ako.

Ipinatong ko ang tray sa hita ko. Then I reached Dite's hands. Marahan kong inalis ang mga kamay nya sa pisnge ko at hinawakan yon ng mahigpit.

Umiling ako at nagpakita ng tipid na ngiti kay Dite. "Dite tayo nalang ang kumain ng macaron." Sabi ko sa kanya.

Nanatili ang pag-aalala sa mukha ni Dite pero paglipas ng ilang segundo ay unti-unting nabanat ang labi nito sa isang ngiti. "Hehe sige Ash."





Dumampot kami ng sabay ng macaron at kinain yon.















After a few minutes....











"Ayoko na Ash." Sabi sa akin ni Dite dahil naka apat na kami parehas ng macaron. Hindi naman namin kayang ubusin parehas ang lahat ng macaron na to.

Sigh.



"Ash, gusto mo bang ipamigay natin ang mga macaron sa mga empleyado?" Dite offered.

Tinitigan ko sya dahil sa sinabi nya.

Ang puso ko ay nagsimulang tumibok sa malakas na paraan dahil tutol ako sa gusto ni Dite. Tila ba nakalimutan na nya na galit sa akin ang mga empleyado dito.

"Alam mo Ash, pag binigyan mo sila ng pagkain babait na sila sayo kasi ganun ako hehe." Paliwanag sa akin ni Dite.

Hindi muna ako kumibo sandali, nagdedesisyon sa utak ko kung papayag ba ako sa gusto nya.

Pero tama naman si Dite.

Pag galit ako sa isang tao, once na binigyan nya ako ng pagkain, ayoko ng magalit sa kanya.

Ngumiti ako kay Dite at nag nod, "Hehe sige Dite. Ipamigay nalang natin."





CLAUDE'S POV

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now