KHAEL'S POV
Binuksan ko ang pintuan ng banyo gamit ang malakas kong sipa.
Sa pagbukas ng banyo ay narinig ko ang malakas na irit ni Ashley at niyakap ang katawan nya. Pero nakasuot na naman sya ng white shirt.
Tinitigan ko lang sya at ang ginawa kong titig ay hindi nakakatulong sa kontrol ko, mas lalo lamang akong naaakit sa kanya.
"Ash---" hahakbang sana ako papasok ng banyo pero sa unang hakbang na ginawa ko ay...
"DON'T YOU DARE!" malakas na sigaw sa akin ni Ashley at humablot ng mop tsaka tinuntok sa akin. Magkasalubong ang kilay nito at galit na galit na nakatitig sa akin.
Dahil din doon ay bumalik ako sa katinuan ko.
"S-sorry Ash. W-wala kong gagawin sayong masama." Umurong ang tapang ko na gawin sa kanya ang mga inuutos ng kalamnan ko dahil sa sandaling ito ay nangibabaw sa akin ang takot na baka masira ang pinaghirapan kong relasyon sa kanya.
Humakbang ako palayo sa banyo habang nakatitig lamang kay Ashley.
Nanatili syang nasa loob ng banyo, may hawak na mop at nakatutok lang sa direksyon ko kaya naman tuloy tuloy lang ako sa pag-atras palayo.
Hanggang sa makarating ako sa lounge sofa, naupo nalang ako doon at tinitigan pa din ang banyo.
Dammit.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako napasunod ng isang babae ng ganito. Pakiramdam ko ay para akong tuta ni Ashley, na sa isang salita nya lang ay susunod ako.
As if she was casting me a black spell.
Sigh.
Mabuti nalang at kami lang ni Ashley ang tao sa condo unit na to dahil kung hindi, baka kainin ako ng lupa sa hiya.
I'm Khael Elacion! May pinamumunuan akong napaka laking hukbo at ni minsan ay walang taong nagmanipula ng mga galaw ko.
Pero puta para kong isang tauhan ni Ashley ngayon na hindi makapalag sa lahat ng sasabihin nya!
Bakit ganito ang epekto sa akin ng babaeng to?
ETHAN'S POV
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng lamesa katabi ng kama namin ni Ashley dahil napilitan akong lumabas kanina sa may kama noong papasukin ni Khael si Ashley sa banyo.
Kamuntik muntikan ko ng sunggaban ang lalakeng yon mabuti na lamang at masyadong malakas ang tama nya kay Ash.
Kahit gaano katindi ang tawag ng laman nya ay walang silbi yon sa mahika ng asawa ko.
Hindi ko din alam kung paano nangyayari ang bagay na yon pero noong pauna-una palamang kami ni Ashley na nagkarelasyon ay hindi ko din magawa ang mga bagay na gusto ko rito.
Hindi ko kayang pwersahin sya sa mga ganung bagay, napaka sweet ng mukha nito at ganun din ang ugali kaya irerespeto mo talaga ang babaeng yon.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...