ADRIAN'S POV
Natigilan ako sa sinabi sa akin ni Ethan.
Napalagok ako at tumingin sa side mirror ng motorbike para makita ko ang reaksyon ni Ethan.
Ang buong atensyon nya ay nasa kalsada at blanko lang ang emosyon nito. Hindi ko napagana ang utak ko sa mga oras na to dahil nagulat ako sa binitawang salita ni Ethan.
Ilan sandali pa ay bumalik ako sa katinuan ko at nag clear throat, "Bakit mo ko pinababalik sa bahay mo?" I asked him.
Hindi sumagot si Ethan kaya naman natahimik lang din ako. Nag-isip isip ako kung tama ba na bumalik ako sa bahay nya.
Nakakaasar si Ethan pero...
Sa isang banda alam kong kapatid ko sya at hindi ko din naman kayang matiis na iwan si Ethan kung may malaki syang problemang hinaharap kagaya nito.
Hmmm....
Huminga ako ng malalim at piniling magpaka kuya sa kanya.
"Pasensya kana." -I/ him
O. O
Natahimik ako nang sabay naming banggitin ni Ethan ang bagay na yon. Nakita kong sumulyap sya sa side mirror at sumulyap din ako kaya nagkatagpo ang mga paningin namin.
Hanggang sa nahuli nalang namin ang sarili naming naghahagikhikan.
"Idiot." -him
Hmm...
Dinala ko ang isa kong kamay sa balikat ni Ethan at hinawakan sya doon. Nakita kong ngumiti sya sa side mirror kaya napangiti din ako.
Pagbali-baliktarin man ang mundo ay kuya mo pa din ako Ethan at nakababata kitang kapatid. Hindi matatapos ang bond nating dalawa dahil kadena ang nagdudugtong sa atin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa unahan at hinayaan na dumampi sa mukha ko ang malamig na hangin ng gabi. Ang buwan ay nakasunod sa amin at ginagabayan kami sa lugar na pupuntahan namin.
Napaka payapa sa paligid at ang mga puno sa nakapalibot sa gilid ng kalsada ay kumakaway sa amin na tila wine-welcome ang pagdating namin.
Siguro kaya lang ako ganito dahil...
Masaya ko.
Isa pa ay gusto din ni Ares sa bahay ni Ethan dahil nakakalaro nya sina Clint at Dillon. Ayoko namang lumaking walang kaibigan si Ares kagaya ko noong panahong maliit ako.
Ayokong ipagkait sa kanya ang kasiyahang dala ng childhood memories na pinagkait sa akin dati.
"Kuya..."
"Hmm?"
"Tulungan mo kong kumpirmahin na si Khael si Poseidon." Ethan said. Muli akong tumingin sa side mirror at tiningnan ang mukha nya dahil sa sinabi nya.
Humihingi sya ng tulong ko?
"Pano ang plano mo?" I asked him.
Natahimik sya sandali. Tila ba naghahanap ng lakas ng loob na magsalita hanggang sa paglipas ng ioang segundo ay nakuha na nyang sagutin ang tanong ko.
"Wala ng plano kuya...Hindi ko na kayang ituloy pa ang plano." He replied.
Nabunatan ako ng tinik sa dibdib ng sabihin ni Ethan ang bagay na yon dahil sa wakas ay natauhan na din ang isang to.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...