VIOLET'S POV
"Violet here."
Lumingon ako kay Jed ng tawagin nya ako. Nakita ko syang inabot sa akin ang tissue. Tinanggap ko ang tissue at mabilis na pinahid ang mga luha kong nagbabagsakan.
Nakaupo lang kaming dalawa sa bench ni Jedediah, sa may garden at bar at parehas na pinapanood ang mga stars sa langit.
"You still love him?" Jed asked me.
Natahimik ako sa sinabi ni Jed at tumitig lang sa langit. Dahil ang hirap sagutin ng tanong ni Jed, ang hirap tanggapin sa sarili ko na kahit niloko ako ni Brix ay hindi man lang nabawasan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.
Hindi kasi ganun kadali yon.
"Do you want...a beer?"
O//////////O
Lumingon ako kay Jed dahil sa inalok nya. Muling nagtama ang mga paningin namin at sa sandali ding ito ay pinamulahan ako ng mukha.
Naalala ko lahat ng nangyari sa amin na pilit kong kinakalimutan.
"I-I'm sorry Violet. Gusto ko lang naman na pagaain ang loob mo." Jed said and became red in the face too.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at itinuon sa kamay kong mag ka clasp sa hita ko. Ang puso ko ay tumitibok sa malakas na paraan.
"H-Hindi na Jed." Sagot ko rito.
Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa kabilang side nya. Pulang pula ang mukha nya at alam kong naaalala din nya ang mga nangyari sa amin.
Sobrang nakakahiya.
Natahimik kaming dalawa ni Jed at walang naglakas na loob magsalita.
Ang tanging naririnig ko lang sa magkabila kong tenga ay ang malakas na pagkabog ng puso ko. Pakiramdam ko nag co collapse ako sa hiya.
Hanggang sa...
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Jed na dumapo sa kamay ko.
He held my hand and squeezed it
Itinaas kong muli ang tingin ko kay Jed. Nagtitigan kaming dalawa. Ang sikat ng buwan ay tumatama sa mukha nito na syang nagpadagdag ng magandang pagkalalake ni Jed.
Hindi ko nakuhang alisin ang tingin ko sa kanya dahil pinag-aralan ko ang mukha nya.
Ngayon ko lang natitigan ng ganitong kalapit si Jed at nakakapagtaka na wala pa syang nagiging girlfriend.
"Violet alam kong mahal mo pa sya pero gusto kong malaman mo na handa akong gawin para tulungan kang makalimutan sya." -Jed
O. O
My heart speed up.
Tinitigan ko si Jed dahil sa sinabi nya at hindi mapigilang manlake ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sa akin ang mga bagay na to.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
