MAX'S POV
Bumitaw ako kay Ashley at tumalikod dahil natamaan ako ng ligaw na bala. Si Ashley ay nagsimula ng umiyak at mataranta.Pilit nyang hinahawakan ang braso kong dumudugo dahil sa ligaw na balang natamo ko.
"Max! You are bleeding."
"I know Ashley, kailangan kong makaalis dito!" paliwanag ko sa kanya at nagsimula na ding mataranta. Sinuot ko ang hoodie sa akin para lamang hindi ako ma recognize ng taong bumaril sa akin.
Kasunod na noon ay, "Ashley!" Ang malakas na boses ni Ethan.
Damn.
Kapag minamalas ka nga naman talaga. Narinig ko na din ang sobrang daming yabag ng mga paa na alam kong pinapalubutan na ako ng mga tauhan ni Ethan.
Nanatili akong nakatalikod at nakayuko, nakasuot din sa akin ang hoodie para lamang maitago ang itsura ko. Dahil hindi ako pwedeng ma-identify nina Ethan!
"Kuya wag!" Sigaw ni Ashley at yumakap sa akin. Hindi ko alam kung tama ba na yakapin nya ako, pakiramdam ko kasi ay mas ginagalit lamang namin si Ethan.
Pero alam kong si Ashley lang din ang may kakayahang pumrotekta sa akin sa mga oras na to.
ETHAN'S POV
Nasa labas ako ng bahay kasama lahat ng tauhan ko dito. Kasama ko din si Adrian at may mga hawak kaming baril, tinututukan namin ng mga armas namin ang lalakeng kasama ni Ashley.
Hindi ko mapigilang mag dilim ang paningin ko habang tinititigan silang dalawa, lalo pa at nakayakap si Ashley sa lalakeng yon.
Sinabi ko na at may kalokohan na gagawin ang babaeng to kaya hindi ako pinatulog ng pag-iisip ko at inabangan ko syang lumabas ng kwarto ni Dite kanina.
Pero sino naman ang lalakeng to!?
Ito ba ang sinasabi ni Ashley na nakasama nya sa loob ng limang buwan. Lalake ang kasama nya!?
Bakit sila magkayakap!?
Tang-ina, may karelasyon na bang iba ang asawa ko?
"TAAS ANG KAMAY!" Sigaw ko sa dalawa na halos maputol ang litig ko sa pag sigaw. Alam ko din na naglalabasan na ang ugat ko at ulo ko dahil nangingibabaw na naman ang selos at galit ko.
Kapag nakikita ko ang asawa ko na may yakap na ibang lalake.
Tinaas ng lalakeng yon ang dalawa nyang kamay sa ere pero nanatili syang nakatalikod sa amin kaya hindi ko alam kung sino ang lalakeng yon.
Humakbang ako palapit sa kanilang dalawa at akmang makakalapit na sana pero nakita kong inilapit ng lalake ang labi nya sa tenga ni Ash.
Na para bang may binulong sya dito.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa susunod na mangyayari. Tinitigan ko lang si Ashley, ilan sandali pa ay inangat nya ang isa nyang kamay at dinala sa tagiliran ng lalake.
Tsaka ko lang napagtanto na hinugot nya ang baril sa tagiliran nito at tinutok sa akin. Tumigil ako sa paglalakad dahil sa ginawang pagtutok sa akin ni Ashley ng baril.
I gaze hard at her. She stood in a dark, cold place with that person.
My expression grew solemn.
"Ashley, huwag mo kong subukan." Sabi ko rito sa patay kong tono.
Pero umiling sa akin si Ashley at umiiral na naman ang katigasan ng ulo nya. Palagi syang ganito at hindi na sya nag bago kahit kailan.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...