ETHAN'S POV
Iniwas ko ang tingin kay Ashley at naglakad ako papunta sa bathtub. Nang makarating ako sa bathtub ay binuksan ko ang faucet upang punuin ang tubig ang tub.Naglakad din palapit sa akin si Ashley at tumayo sa tabi ko. "Kuya I'm asking you. Gusto kong malaman ang nakaraan natin. Mukha namang masaya talaga tayo pero bakit kailangan mong makipaghiwalay sa akin?" She asked me.
Nakatitig lang ako sa tub at medyo nakakaramdam ng kaba. Ang tanong ni Ashley ay nakaka pressure, ayoko muna sanang halungkatin ang nakaraan dahil baka mamaya ay tuluyan ng mawala sa akin ang isang to.
Hindi mo na kaya yon.
"Kuya!?"
"Ash kung gusto mong makaalala sa nakaraan mo ay pumayag ka ng magpa check up." Sabi ko rito pero mabilis na umiling sa akin si Ashley.
"Ahh! Hindi pwede!" Sigaw nya sa akin at nag pout dahil sa sinabi nya ay lumingon ako sa kanya at pinagsalubungan sya ng kilay.
"Hindi mo talaga gustong makipagtulungan samin no?" Sabi ko pero may hint na ng pagkapikon sa boses ko. Hindi nyo ko masisise na maasar kay Ashley ng paulit-ulit, napaka tigas ng ulo ng isang to at sa kinikilos nya pakiramdam ko pinadala sya dito ng kalaban.
May mga nililihim sya sa akin at kahit ayoko syang pagdudahan ay napapaisip pa din ako.
Anong rason ng wirdong kinikilos nya at sino ang taong palagi nyang tinutukoy na nakasama nya sa loob ng limang buwan.
Wala pa akong ideya...
Sa ngayon...
Pero sisiguraduhin ko na lulutasin ko ang misteryo sa pagkawala ni Ashley.
Nakatitig lang ako kay Ashley at nakita ko syang humarap sa tub at tinitigan ang tubig na tumataas sa loob nito sa bawat paglipas ng oras.
"Kuya..." she said.
"Why?"
"Sabihin mo nga sakin, ano bang ugali ko dati?"
Tinitigan ko muna si Ashley dahil sa sinabi nya at pagkatapos ay inilipat ko ang tingin ko sa may bathtub. Kagaya nya ay pinagmasdan ko na tumaas ang tubig sa loob ng tub.
"Wala ka namang pinagbago Ash. You are sweet as always, masarap kang kasama at nakakatuwa ka." Sagot ko sa kanya at habang sinasabi ko ang mga bagay na yon ay hindi ko mapigilang mapangiti.
Madami ka kasing bagay na mamahalin kay Ashley.
"Talaga? Parang close na close tayo kung magsalita ka." She said that I couldn't stop myself from laughing.
"We are close Ashley, kaya nga may dalawa tayong anak." Sagot ko sa kanya habang humahagikhik. Nahuli kong lumingon sa akin si Ashley kaya naman lumingon din ako sa kanya para tagpuin ang mga mata nya.
Nang oras na magkatagpo ang mga mata namin ay nakita ko ang pamumula ng mukha nya. Nag pout ito at pinagsalubungan ako ng kilay.
"Pervert." Mataray na sabi nito at inirapan ako.
Muli akong humagikhik dahil sa sinabi nya. Kung nakakaalala lang ang isang to ay hindi nya ako ita-trato ng ganito.
Baka kanina pa nya akong niyakakap o kaya naman ay hinahalikan.
Nakatitig lang ako kay Ashley at pagkalipas ng ilang segundo ay tumayo ito ng tuwid at, "Pwede ka ng lumabas. Maliligo na ko." She said.
"Sinong may sabing lalabas ako?" Agad na sagot ko sa kanya kaya nabwiset ko na naman ang mahal kong asawa.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...