DUPE

111 14 0
                                    

YEJI'S POV

Nasa taxi kami parehas ni Ashley at magkatabi dito sa backseat. Sinabi kasi ni Ashley na dadalhin nya ako sa hospital kung nasaan si Noah.

Hindi ako pamilyar sa lugar na pag dadalhan nya sa akin pero sigurado naman akong dadalhin ako ni Ashley kay Noah, hindi ba?

Ilan sandali pa ay tumigil na ang taxi driver sa pagmamaneho.

Iginala ko ang tingin ko sa labas at puro puno lang ang mga nakikita ko dito at walang ibang sasakyang dumadaan sa kalsada.

Teka?

Saan bang lugar to at bakit walang hospital dito?


"Yeji halika na." Narinig kong sabi ni Ashley kaya tumingin ako sa kanya. Binuksan nya ang pintuan ng taxi dito sa backseat at lumabas doon.

Napataas ang isang kilay ko sa pagtataka kung bakit dito kami tumigil ni Ashley. Pero wala din akong nagawa kundi ang buksan ang pintuan ng taxi sa side ko at lumabas doon.

Sa paglabas ko ay umandar na paalis ang taxi at kami nalang ni Ashley ang natira dito.

"Hoy Ashley, nasaan si Noah?" Tanong ko sa kanya at humakbang palapit sa kanya. Nakatayo lang kasi sya sa gilid ng kalsada at nag mamasid-masid sa paligid.

"Wait lang Yeji. Parating na yon hehe." Ashley replied.

Parating na?

Teka, niloloko lang yata ako ng isang to. Kasi ang sinabi nya sa akin ay si Noah ang pupuntahan namin at hindi si Noah ang pupunta sa amin.

Isa pa ay sigurado akong hindi maiiwan ni Noah ang ama nya.


"Ashley pinagti-tripan mo ba ko!?" Galit na sigaw ko kay Ashley at hinablot ang collar nito.

Tumingin sa akin si Ashley at pinakitaan ako ng isang ngiti. Gusto ko sanang magalit sa kanya pero bigla itong nagsalita at sinabing, "Hayan na sya Yeji. Sabi ko namam sayo mag hintay ka lang."

O. O

Nandito na?

Sino ang taong tinutukoy nya dahil imposibleng si Noah yon.

Sa pagtataka ay nilingon lingon ko ang ulo ko para hanapin ang taong tinutukoy ni Ashley. Hanggang sa matanaw ko ang isang kotse na papalapit sa direksyon namin.

Tinitigan ko lang ang kotse sa windshield nitox iniisip kung sino ang taong yon.

Tinted glass kasi kaya hindi ko maaninag ang taong nagmamaneho sa loob.



Hanggang sa...



Nakarating na sa direksyon namin ang kotse. Tumigil sya sa tapat namin ni Ashley at ilan sandali pa ay nag bukas na ang pintuan.

Nakatitig lang ako doon.

Sa pagbukas ng pintuan ay nakita ko ang isang binti na humakbang palabas dito.

Kasunod na pala noon ay ang bangungot na mangyayari sa buhay ko.





Nanigas ako sa kinatatayuan ko, nanlake ang mga mata at kinabugan ng sobrang lakas sa dibdib ko. Habang tinititigan ko ang taong lumabas sa kotse ay pakiramdam ko babagsak ako sa sahig.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now