STAY WITH HIM

114 17 0
                                    

HARRY'S POV

Nakahiga lang ako sa kama at nakabalot ng kumot.

Mabuti nalang at umalis na ang mga panggulong babaeng yon. Kasi kung nagtagal pa sila dito baka nga mahospital nga ako sa high blood.


(Creaking door sound)







Holy shit!

Lumingon ako sa may direksyon ng pintuan dahil narinig kong nagbukas yon.

Sa pagharap ko doon ay nabwiset na ulit ako ng todo dahil, "Ano pang ginagawa mo dito Ashley?"

Bakit hindi pa sya sumama sa mga kaibigan nyang umuwi? Nagpaiwan ba sya dito para paagahin ang pag-panaw ko?




"Sir. Harry, pinagluto ka ng mga maid ng soup hehe." She said as she walked towards me.

Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga ko habang pinagmamasdan si Ashley na maglakad palapit sa akin.

Tinaasan ko sya ng isang kilay.


"Hindi mo kailangang gawin ang bagay na to." Sabi ko rito pero hindi nya ako pinansin. Pinagpatuloy nya ang paglalakad at naupo sa bed side katabi ko.

Ang bowl ng soup na hawak nya ay pinatong nya sa hita nya.

Tinitigan ko lang sya, ang mga labi nito ay nabanat sa isang tipid na ngiti pero kahit nakangiti sya ay mababakas sa mata nya ang bahagyang lungkot.

Hindi ko alam kung anong bumabagabag kay Ashley pero pagnakikita ko syang ganito ay...kinakain din ako ng pag-aalala ko para sa kanya.


She's just too precious for me...






"Sir. Harry kung nandito lang si Geoff, sigurado akong hindi ka nya papabayaan pero dahil wala sya ako muna ang mag-aalaga sayo---"

"Pero Ash hindi mo kailangan mag-abala. Besides, wala na kayo ni Geoff kaya wala ka ng dahilan para gawin ang mga bagay na to." Sabi ko sa kanya pero narinig kong humagikhik ito, tila ba ginawa nyang biro ang sinabi ko.

Pero totoo naman ang sinabi ko, wala ng rason para gawin ni Ashley ang bagay na to.



Humarap sa akin si Ashley at pinakitaan ako ng sweet nyang ngiti, "Kung ayaw mong alagaan kita dahil hiwalay na kami Geoff, isipin mo nalang na aalagaan kita dahil kaibigan kita sir. Harry."


At sa salitang binitawan ni Ashley ay natahimik na ako. Pero sa sandaling ito ay kusang ngumiti ang mga labi ko.

Ashley has a pure heart, kahit bawal hindi ko pa din mapigilang mas mahulog sa kanya.



"Oh Sir. Harry." Ashley said and lifted the spoon in front of my mouth.

"I can do it by myself." Sabi ko sa kanya at kinuha ang bowl ng soup na nakapatong sa hita nya. Then next was I took the spoon, sinubo ko ang kutsara at sinimulang kainin ang soup.



"Hehe sabi ni Violet aayos na din ang pakiramdam mo mamaya." She said.

I smile at her again as I continue eat my soup.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now