ASHLEY CAN'T STOP LOVING HIM

134 19 0
                                    

HARRY'S POV

Nakaupo kami ni Ashley sa lamesa at nag gi-grill ng seafood. Tuwang tuwa itong nag gi-grill ng scallops. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang pinapanood sya sa ginagawa nya.


Kinuha ko ang chopstick ko at sinumulang kainin ang fried rice at mga grilled food.


Ginaya ni Ashley ang ginagawa ko at kumuha ng chopstick, nakatingin sya sa akin na parang pinag-aralan nya kung paano ako kakain.

Habang tinititigan din sya ay napag-aaralan ko na hindi pala sya marunong gumamit ng chopstick.


Then Ashley do a shy smile at me.




Fuck.



Why you have to be so cute like this Ash?






"Sir. Harry, pwede ba kong mag kutsara?" Ashley asked me. Napahagikhik ako sa sinabi nya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa likuran ni Ashley. Yumuko ako ng konti at hinawakan ang kanang kamay ni Ash na may hawak ng chopstick.





"Sir. Harry?"





"Masarap kumain ng grilled seafood kapag naka chopstick. Come here let me teach you." I told her. Minanipula ko ang kamay nyang yon at tinuruan syang mag chopstick.




Tumingin si Ashley sa kamay nya habang tinuturuan ko sya. Magkasalubong ang kilay nya at nakita ko kung gaano sya ka determinadong matuto.



Yumuko pa ako ng konti na halos lumapat ang mga labi ko sa ulo nya. Nilalanghap ang mabangong amoy ng buhok nito, tila dinadala ako sa hardin ng mga candy.





Ang mga kamay palad at daliri kong nakabalot sa maliit nyang kamay at nagbibigay ng kakaibang kakomportablehan sa dibdib ko. Na sa tuwing malapit ako sa kanya ng ganito, pakiramdam ko ay ligtas ako sa lahat ng problema at pag-iisip ko.



It felt like I'm home.




Ayokong umalis sa pangangalagang binibigay ni Ashley sa puso ko. Masyado ng malakas ang tama ko sa babaeng to.









"Wow! Sir. Harry! Nakuha ko yung scallop!" -Ashley







Mula sa pagkakatitig ko sa kanya ay inilipat ko ang tingin ko sa magkahawak naming kamay at hindi mapigilang mapahagikhik. Dahil tuwang tuwa sya na may nakuha syang pagkain gamit ang chopstick though ako naman ang may dahilan noon.





Inangat ko ang chopstick sa tapat ng bibig nya, nanatiling magkahawak ang kamay namin. Binuka ni Ashley ang bibig nya at kinagat ang scallop.




Tinitigan ko lang ang pink nitong pisnge ang mga nakangiting labi habang nginunguya ang pagkain.







Nang malunok na ni Ashley ang pagkain ay tumingala sya sa akin at tiningnan ako sa mata, and she showed her sweet smile.




Damn.



It made my heart pound hard in my chest.











BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now