There are no secrets that time does not reveal

133 18 0
                                    

ZION'S POV

Lumabas ako ng hospital at naglakad papunta sa parking lot. Dito kasi ako dumiretso sa hospital pagkatapos namin makaharap ang bodybuilder kanina.

Napuruhan ako sa labanan na yon, bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng makabangga ni Ashley ay yung lalakeng yun pa.



Sigh.


Nang makarating ako sa parking lot, naglakad ako papunta sa pwesto ng kotse ko. Akmang makakalapit na sana ako dito nang...








"Hoy."





O. O



May isang boses akong narinig mula sa likod ko. Lumingon ako doon at nakita ang napakalapit na lalakeng nakatayo, halos magkahalikan na kami kaya naman napaatras ako.

"A-Anong ginagawa mo dito!?" sa sobrang gulat ay nasabi ko ang salitang yon ng pautal-utal.



Nginisian ako ni Ethan na alam kong natuwa sya sa naging reaksyon ko kaya nagsalubong ang kilay ko.  Talagang napaka laki ng kayabangang taglay ng lalakeng to.






"Ano bang kailangan mo!?" inis na sabi ko dito.





Tinitigan ako ni Ethan ng malalim sa mata, ang mga ngiti sa labi ay napawi. Then he spoke, "Anong pumasok sa isip mo at tinuturuan mong pumatay ang asawa ko?"








O. O




Natigilan ako sa sinabi ni Ethan. Sinubukan kong isipin kung ni minsan ba ay naturuan ko si Ashley na pumatay, pero wala akong maalala.

Tinaasan ko ng isang kilay si Ethan, "Anong sinasabi mo?"




Hinawakan ni Ethan ang collar ko at mayabang akong tinaasan ng ulo, "Tigilan mo ang panglalason sa utak ng asawa ko. Hindi mo alam ang mga kaya nyang gawin---"





"Pwede ba! Hindi ko alam kung anong sinasabi mo!" malakas na sigaw ko sa kanya. Kakawala sana ako sa pagkakahawak nya sa collar pero hindi nya ako binitawan.

Bakit ba kursundang kursunada ako ng lalakeng to!?







"Sumama ka sakin."







"Ano!? Saan mo ba ako dadalhin!?" Malakas na sigaw ko at nagpupumilit na kumawala pero sobrang higpit ng pagkakadakma nito sa damit ko.



Sunod ay naglakad na ito palayo hatak-hatak ang damit ko.



Dammit.






"Ano ba!?"







"Tumahimik ka! Ipapakita ko sayo kung anong mga inutos mo sa asawa ko!"






Inutos!?

At ano naman ang mga bagay na iuutos ko kay Ashley? Nakaasar, hindi ko makatakasa sa taong to!












BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now