ETHAN'S POV
Naglakad kaming dalawa ni Talia papunta sa office ni Khael. Nang oras na makarating ako doon ay hindi ako nag-aksaya ng oras at binuksan ang pintuan ng office nito.
(Door slammed open)
Sa pagbukas ko ng pintuan ay agad kong iginala ang paningin ko sa loob ng office nya. Umaasa na matatagpuan ko si Ashley pero...
Tang ina walang tao dito sa office ni Khael!
Humarap agad ako kay Talia, ang dibdib ko ay tumataas baba sa galit. Kung ano-ano na kasing pumapasok sa isipan ko at baka masiraan ako ng bait kapag hindi ko nakita kung nasaan si Ashley!
"Talia nasaan ang asawa mo!?" Malakas na sigaw ko sa kanya.
"I-I don't know---" paliwanag nito pero natigilan sya sa pagsasalita nang may lumapit sa amin na isang empleyado galing sa hallway.
"Ma'am Talia." Tawag nito kay Talia kaya tumingin kaming dalawa sa kanya. Nang oras na makalapit na ito sa amin ay muli itong nagsalita, "Ma'am Talia, hinahanap nyo po ba ang CEO?"
"Nasan sya?" -Talia
"Ma'am, umalis po si Sir. Khael dito sa kompanya kani-kanina lang. Kasama nya po yong isang babae---"
"HOLY SHI--- WHAT!?" malakas na sigaw ko dahil sa sinabi nya. Kasi tang-ina saan lupalop ko hahanapin ang asawa ko!
Saan sya pwedeng dalhin ng Khael na yon!?
TALIA'S POV
Tinitigan ko si Ethan dahil sa naging reaksyon nya.
Napataas din ang isa kong kilay habang tinititigan sya kasi anong reaksyon yon diba?
Bakit sobrang nagalit sya ng malaman nya na umalis si Khael dito sa kompanya? Ganun ba nya kagustong makausap si Khael para ma high blood sya ng ganito?
O baka naman si Ashley talaga ang pinunta nya dito at nirarason lang nya na gusto nyang kausapin si Khael.
"Talia! May number ka ba ni Khael!?" Galit na tanong sa akin ni Ethan. Ang mga mata nito ay mas tumitindi pa ang titig sa akin, ang eye pupil ay lumalawak na para bang isa syang mabangis na hayop sa harapan ko at isa akong kuneho na susunggaban nya ano mang oras.
Sanay na naman akong makita ang ganitong reaksyon ni Ethan dahil madami kaming taon na nagsama, pero ang takot na pagbabanta ng tingin nya ay mahirap tagalan.
"Sa ibang araw mo nalang kausapin si Khael---"
"NO! IBIGAY MO SA AKIN ANG NUMBER NI KHAEL!" Malakas na sigaw ni Ethan sa akin at naasar na ako sa kanya dahil sa kilos nya ay alam kong gusto lang nya makita si Ashley.
At hindi ko hahayaan na mangyari pa yon!
Hindi na sya babalik pang muli sa asawa nya. Hindi na sila pwedeng maging masaya pa kahit kailan kagaya ng ginawa nilang pag-sira sa kaligayahan ko.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Любовные романыAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...