ASHLEY'S POV
Nasa kwarto lang ako at kakatapos lang namin maligo nina Clint at Dillon.
Binibihisan ko na din sila ng damit dahil ayoko namang malamigan sila. Si kuya naman ay pumasok ngayong araw kaya naman kami lang ng mga anak ko ang nadito sa loob ng kwarto.
"Mommy, pwede ba tayong pumunta sa park?" Tanong sa akin ni Clint habang binibihisan ko sya. Si Dillon ay nasa kama at talon ng talon.
"Dillon, wag tumalon ha." Paalala ko kay Dillon at humarap muli kay Clint, "Sige baby. Pupunta tayo sa park, mag papasama tayo sa Tito Pheobe, Tito Leo, at Tito Kit mo."
Humagikhik si Clint at hindi ko pa ito tapos bihisan nang bigla itong tumakbo papunta sa kama. Mabilis syang simalta doon at nagtatalon din kagaya ni Dillon.
Tumayo ako ng tuwid at nag crossed arms habang tinitingnan ang dalawang makulit na bata sa kamang tumatalon.
Pero kahit sobrang kulit ng dalawang to ay napangiti pa din ako.
Dahil mahal na mahal ko sila at napaka cute nila hehe. Small version lang sila ni kuya, at pati ang itim na iris nito ay nakuha nila sa ama nila.
ETHAN'S POV
Nasa conference room ako kasama ang CEO at mga may posisyon sa kompanya na to para i-discuss ang mga project ng kompanya.
Nasa unahan ako at ako ang nagsasalita.
Nakaupo sila sa conference table at lahat ay nakatingin sa akin habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko.
Hanggang sa...
(Phone Ringing)
Natigilan ako sa pagsasalita dahil tumunog ang phone ni Adrian na nakatapong sa table. Nagsalubong ang kilay ko dahil kahit kailan ay napaka bastos ng kapatid ko.
Hindi nya kayang i-off ang phone nya kapag nasa loob kami ng conference room.
Tinitigan ko ng masama si Adrian. Nakita kong dinampot nya ang phone at sinagot yon.
Medyo naasar ako kaya hindi ko napigilang magsalita, "Pwede bang patayin mo yan! Nasa meeting tayo!" Sigaw ko kay Adrian.
Lumingon sa akin si Adrian at nagsalita, "Oh. Ashley, narinig mo ang sigaw ng asawa mo. Huwag ka daw abala, bye."
O//////////O
Ashley!?
Dahil sa sinabi ni Adrian ay halos masemento ako sa kinatatayuan ko. Dahil nasiraan nya agad ako kay Ashley!?
Dammit.
Alam ba nya na hindi pa kami ayos ng babaeng yon!? Tapos sisiraan pa nya ako ngayon! Sigurado akong mas titindi pa ang galit sakin ni Ashley, nakaasar!
Pinatay ni Adrian ang tawag at nanatili syang nakangisi sa akin habang ibinababa nya ang phone sa table.
Ang puso ko naman ay kumakabog sa malakas na paraan kasi tang ina! Sigurado akong galit na naman sa akin si Ash.
"Tuloy Ethan." Mayabang na sabi sa akin ni Adrian at alam kong inaasar nya ako. Alam nya na hindi ko kayang ituloy ang pagdi-discuss dahil kailangan kong kausapin si Ashley sa phone para magpaliwanag.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomansAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...