VENTURE HOTEL

133 16 0
                                        

ETHAN'S POV

Nasa bahay na ako dahil maghapon na naming hinanap nina Phoebe, Kit at Leo si Ashley sa mall pero hindi namin makita ang isang yon.

Hindi ko alam kung saan nag suot ang isang yon pero isa nalang ang paraan para malaman ko kung saang party pupunta si Khael at Ashley.

Nasa kwarto ako ngayon at nakaupo sa kama habang pinapatulog ang dalawa kong anak. Nakahiga na sina Clint at Dillon sa kama, nakapikit na din ang mata nila na alam kong dinapuan na sila ng antok.

Sunod ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at dinailled ang number ni Talia.




Upang maiwasan na magising pa sina Clint at Dillon ay tumayo ako paalis sa kama. Naglakad ako palapit sa picture window ng kwarto namin kung saan natatanaw ko ng ayos ang kabuuan ng garden namin.

Ang buwan ay direktang nasisinagan ang garden na syang nagpadagdag lamang upang gawin itong nakakaakit sa mata.






Nakatayo lang ako sa tapat ng picture window, nakatitig sa labas habang hinihintay na sagutin ni Talia ang tawag ko.

Hindi naman ako nabigo dahil paglipas ng ilang segundo ay sinagot nya ang tawag ko.













"Napatawag ka?" Masungit na bungad nito.

Hindi ko naman masisise si Talia, panget ang naging huli naming pagkikita kaninang umaga.


"Talia, pwede ba tayong magkita."






Humagikhik si Talia na alam kong naasar sya sa sinabi ko, "Pagkatapos ng ginawa mo sakin kanina? Sa tingin mo makikipag kita pa ako sayo?"










"Talia...please, kailangan kitang makausap ng personal."










"Ethan, may party akong pupuntahan at wala akong panahon sayo."









Hmmm...

Tama nga si Dite, kasama si Talia sa party na yon. Kailangan ko malaman kung saan party pupunta si Talia.









"Talia, kailangan kitang makita. Saang party ka ba pupunta at pupuntahan kita." Sabi ko rito upang makuha ang loob nya at sabihin nya sa akin kung saan ang venue ng party.









"Are you drunk?"










"Talia kailangan kitang makita."









Natahimik sandali si Talia.

Ang puso ko ay nagsimula na ding kumabog ng malakas dahil ito nalang ang nag-iisang paraan para malaman ko kung nasaan ang lintek na si Ashley Rei na sobrang tigas ang ulo!












"Pupunta ko sa Venture Hotel. Makipag kita ka sakin don."











BUT LET ME TRY (SEASON 3)Stories to obsess over. Discover now