MAX'S POV
"Triton! Nandito na si Margauxe."
Dahil sa sinabi ng tauhan ko ay ibinaba ko ang anak ko sa crib at humarap ako sa kanya. Natayo sya sa pintuan ng kwarto ko.
"Nasaan si Kuya, bakit sa akin nyo sinasabi ang bagay na yan?" Tanong ko rito kaya agad nyang niyuko ang ulo nya sa akin.
"Patawad pero hindi namin makita sa bawat sulok ng ship na to si Poseidon." Sagot nya sa akin kaya naman nagsalubong ang kilay ko.
Saan naman kaya nag susuot ang isang yon. Alam naman nya na may trabaho sya ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako at nawalan ng choice kundi ang maglakad papunta sa may pintuan. "Bantayan mo ang anak ko dito, ako na ang pupunta para tapusin si Oceanid." Utos ko sa tauhan na yon at tumango naman sya sa akin.
Kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papunta sa pintuan ng kwarto at lumabas doon. Naglakad ako sa hallway papunta sa deck ng assault ship na to.
Pagkalipas ng ilang segundo na paglalakad ay...
Nakarating ako sa deck kung nasaan nakahelera ang mga sundalo namin. Sa dulo ay nakita ko si Oceanid na nakatayo doon at may suot-suot ng ball and chain sa paa nya.
Nakatayo sa tabi nya si Aphros.
Naglakad ako palapit sa kanila.
Nang oras na makalapit ako sa kanila ay tumayo ako sa harapan ni Oceanid at mayabang ko syang tinaasan ng ulo.
Umiiyak lang ito sa harapan ko at pinanginginigan ng katawan. Sigurado akong takot na takot na sya sa kamatayang ihahatol sa kanya.
"Max please..." mahinang sabi nya at punong-puno ng pagmamakaawa ang boses nya.
Hinawakan ko ang braso ni Margauxe at hinigit sya papunta sana sa may fence ng deck para tapusin na agad sya pero hinawakan ni Steven ang braso ni Margauxe.
Kaya natigilan ako.
Humarap ako kay Steven at tinitigan sya ng malalim. Sinalo nya ang tingin ko at, "Hindi ikaw ang pinuno namin. Kaya si Poseidon lang ang gagawa ng bagay na yan."
At sa sinabi nya ay nagdilim ang paningin ko. Humakbang agad ako palapit sa kanya, binitawan ang braso ni Margauxe at dinakma ang collar Steven.
Pinanlisikan ko sya ng mata pero napaka tapang nyang sinalo ang tingin ko na para bang binabangga nya talaga ako.
"Ingatan mo ang pananalita mo dahil baka ikaw ang isunod kong ihulog sa dagat." Sabi ko sa kanya at tinulak sya sa chest nya.
Napaatras ito sa ginawa ko kaya naman hinawakan ko sa braso si Margauxe at hinigit muli ito papunta sa fence.
Umiyak ng sobrang lakas si Margauxe pero hindi ko na nagawang pansinin pa yon. Pinagpatuloy ko lang syang kaladkadin.
Nang...
"Max, sinabi kong hindi ikaw ang gagawa nyan!" Isang malakas na sigaw ang binitawan ni Steven. Lumingon ako sa kanya pero sa paglingon ko ay sinunggaban nya ako ng suntok.

YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...