WHEN JEALOUSY SWALLOW THEM

119 14 0
                                    

NATALIE'S POV

Tumayo agad ako at lumapit kay Ethan nang makita ko syang pumasok sa loob ng kwarto. Nag dudugo pa din ang braso nito at kailangan nyang malapatan ng first aid.

"Ethan." Sabi ko nang makalapit ako sa kanya at tiningnan ko ang binti nya. "Kailangan nating linisin ang sugat mo---" sabi ko sa kanya pero umatras si Ethan palayo na parang ayaw nyang tingnan ko ang binti nya.

Tinitigan ko sya at nakita ko ding nakatitig sya sa akin ng malalim. "Hindi ba at sinabi ko sayong umalis kana." Sabi sa akin ni Ethan sa blankong tono.

Sa reaksyon nya ay galit pa din sya sa akin dahil sa nagawa ko kay Ashley.



Ganun nya talaga kamahal si Ashley.




"Ethan pasensya ka na kung hindi ako umalis. Gusto ko sanang humingi ng pasensya sa nagawa ko kay Ashley." Mahinang sabi ko sa kanya at inilipat ang tingin ko sa sahig dahil hindi ko naman kayang makipagtitigan sa itim nyang mga mata.

May hatid na pag babanta ang titig nya.



"Natakot lang kasi ako na baka...saktan ka ni Ashley kanina." I added.







ETHAN'S POV

Tinitigan ko si Natalie na nasa harapan ko at nakayuko. Natakot ko yata sya sa binigay kong tingin at ngayon ay nakikita ko syang pinangangatalan ng katawan at pinamumuuan ng luha na parang iiyak.

Ayoko namang iparamdam sa kanya ang ugali kong to, masyado lang talaga akong nagalit nang makita kong barilin nya si Ashley.

Pero sa isang banda...



Alam kong kaya lang ginawa ni Natalie ang bagay na yon ay para protektahan ako kay Ashley.






Hmmm...

Hindi ko na din naman natiis pa si Natalie dahil sa loob ng limang buwan ay pinakitaan nya ako ng kabutihan at hindi sya naging sakit sa ulo sa akin.

Nagkataon lang na sumobra si Ashley kaya napilitan syang saktan ang isang yon.


Tinaas ko ang isa kong kamay at dinala sa taas ng ulo nya tsaka marahan na pinat yon. Tumingala si Natalie para tingnan ako kaya nginitian ko sya.

"Pasensya ka na din sa inasal ko kanina. Masyado lang akong nadala ng galit ko." I explained using my calm voice.

Tinitigan ako ni Natalie na parang kinikilatis nya ako kung hindi na ba talaga ako galit kaya naman nanatili akong nakangiti.

Pagkalipas ng ilang segundo ay unti-unting nabanat ang labi ni Natalie sa isang sweet na ngiti.





"Ethan, hayaan mong linisin ko ang sugat mo." She offered. Hindi ko din naman kayang tumanggi kaya naman tumango nalang ako.

Hinawakan ni Natalie ang braso ko at inalalayan nya akong maglakad papunta sa sofa dito sa kwarto ko. Nang oras na makarating ako doon ay naupo ako at si Natalie naman ay lumuhod sa harapan ko.






NATALIE'S POV

Pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang lumuhod ako sa harapan ni Ethan.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now