VIOLET'S POV
Ipinarked ko ang motorbike ko at bumaba doon.
Tinitigan ko ang bahay na nasa harapan ko. Hindi muna ako humakbang palapit dito dahil naghahanap pa ako ng lakas ng loob.
Pagkalipas ng ilang minuto na nakatitig lang sa bahay ay napagdesisyunan ko ng humakbang palapit dito.
Pumasok ako ng gate at tinahak ang pathway papunta sa bahay.
Sa bawat hakbang ko ay bumibigat ang mga binti ko na tila ayaw nilang gawin ko ang bagay na to. Sing bigat ng hakbang ko ang dibdib ko.
"Violet..."
Hanggang sa nakita ko na si Jed na lumabas ng pintuan ng bahay. Tiningnan ko sya, ang mga kamay ko ay binola ko sa isang kamao dahil...
Sya ang taong nanamantala sa akin.
Pero pinipilit kong inalis sa puso ko ang galit dahil kaya lang naman ako pumunta dito ay para sa ama nya hindi dahil sa kanya.
Ayokong punuin ng galit ang puso ko dahil hindi yon maganda sa kalusugan. Ma-istress lang ako at nakakababa yon ng lifespan.
Humakbang ako palapit sa pintuan kung saan nakatayo si Jed.
Nang makarating ako sa tapat nya ay ngumiti ako. Tipid na ngumiti din sa akin si Jed na alam kong malaki ang problema nya. Hindi ko naman sya masisise, may taning na ang buhay ng ama nya at mahirap sa kanya ang maging masaya.
Hinawakan ko ang braso ni Jed, "It's fine. Makakaya mo yan." I said at him, trying to lift his spirit.
Nag nod sa akin si Jed at pagkatapos ay tinalikuran ako. Naglakad na sya papasok ng bahay at ako naman ay sumunod sa kanya.
Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad, tahimik lang si Jed at wala syang balak na kausapin ako. Medyo nakakapanibago dahil hindi naman sya ganito dati.
Ilan sandali pa ay nakarating na kami sa kwarto ni Tito Don.
Binuksan ni Jed ang pintuan nito.
(Creaking door sound)
Nang oras na dumapo ang tingin ko sa loob ay nakita ko agad ang matandang lalakeng nakahiga sa kama. May mga nakadikit sa kanya na oxygen mask, dalawang cannula at kung ano-ano pa.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko akalain na magkakaganito sya. Noong huling iniwan ko sya ay napaka lusog nya, inalagaan ko sya ng apat na taon kaya hindi dapat sya nagkakaganito.
"Violet..." mahinang tawag sa akin ni Tito Don.
Ngumiti ako at humakbang papasok ng kwarto. Dumiretso ako sa gilid ng kama at naupo sa tabi ni Tito Don.
Hindi na nagawa pang bumangon ng matanda dahil sobrang hina ng katawan nya.
Pero ang mga labi nito ay ngumiti sa akin na alam kong masaya syang nakita ako. Hindi ko napigilang pamuuan ng luha pero pinigilan ko silang bumagsak.
Inalagaan ko kasi to ng apat na taon, bakit sya nagkaganito!?
Hinaplos ko ang noo ni Tito Don dahil nabigo akong magsalita. Ang sakit kasi na makita syang nagkakaganito.
Pilit na inangat ng matanda ang kamay nya at inihawak sa kamay ko. Ibinalot ko naman ang mga daliri ko sa nanlalamig nyang mga kamay.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...