TRUEL

123 16 0
                                    

KHAEL'S POV

O///////O


Shit!



Bakit pinatamaan ni Ethan sa mukha ni Ashley!?

Natulala lamang ako sa ginawang atake ni Ethan, ang babaeng natamaan nya at tumalsik at bumagsak pahiga sa sahig.

Hindi ko alam kung nawalan ba ng malay si Ashley pero alam kong napuruhan sya sa ginawang suntok ni Ethan.



"Ashley!" Ethan shouted and ran towards the girl.

Nang makalapit sya kay Ashley ay lumuhod sya sa harapan nito at inalalayang umupo ang ex-wife nya.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita kong may malay naman si Ashley pero sandali lang pala ang pagkapanatag ko dahil muli akong binalot ng kaba nang makita kong may tumulong dugo sa ilong ni Ashley.

Fuck!

Tumakbo din agad ako palapit sa kanya at lumuhod sa harapan nito.

"UMALIS KA JAN!" malakas na sigaw ko kay Ethan tsaka tinulak sya paalis sa harapan ni Ashley.

Nang maitulak ko si Ethan ay agad kong hinawakan ang laylayan ng T-shirt na suot ko at inangat yon tsaka pinangpunas sa dugong tumutulo sa ilong ni Ash.


"KASALAN MO TONG LAHAT!" -Ethan

Pinupunasan ko pa ang ilong ni Ashley pero nabanatan agad ako ni Ethan ng suntok sa pisnge ko kaya humarap ako sa kanya at ginantihan sya ng suntok.

Ngayon ay kaming dalawa na ang nagpapalitan ng suntok.








GRAY'S POV

O. O

Niyakap ko si Clint at Dillon ng mahigpit at parehas kong sinubsob ang mukha nila sa magkabila kong balikat dahil ayokong makita nila parehas ang dalawang lalakeng yon magpalitan ng suntok.

Hindi ko alam kung ako lang ba to pero...




Habang pinapanood ko ang dalawang lalake na nasa rooftop at nagsusuntukan ay nakakaramdam ako ng bahagyang kilabot.

Ang mga mata nila ay nanlilisik sa bawat isa habang nagpapalitan sila ng suntok. Ang bawat atake nila ay humihiwa sa balat nila na alam mong malakas ang bawat pwersa noon.

Kayang palagan ni Khael si Ethan at ganun din si Ethan sa boss ko. Parehas silang may pantay na lakas at ang hirap hulaan kung sino ang mananalo dito.

Kung si Ethan ba o si Khael.


Ewan pero ang alam ko lang ay hindi magpapaawat ang dalawang to, alam kong paabutin nila to sa patayan.

Kitang-kita sa mga mata nila ang galit sa isa't isa na para bang walang mga kaluwawa ang mga taong nasa harapan ko at kino-kontrol na sila ng galit nila.




"G-Gray pigilan mo." Narinig kong sabi ni Claire kaya nanlake ang mga mata ko kasi tang-ina pano ako aawat jan!?

Hindi sapat ang isang tao para awatin yan!





BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now