ETHAN'S POV
Nakayakap lang si Ashley sa akin at ganun din ako sa kanya. Ang malakas na ulan sa labas ng kweba na ito ay hindi pa din tumitigil.
But I know, we are safe here.
Ang bonfire na nasa harapan namin ay nananatiling nagbibigay init sa katawan namin.
Umayo na din ang pakiramdam ni Ashley at tumigil na ang pangangatal ng katawan nya. Ang mga suot namin ay natuyo na din dahil sa tagal-tagal ng oras na pananatili namin sa tapat ng bonfire.
Yumuko ako at tiningan ang asawa ko sa mga braso ko. Nakayakap sya sa akin at ang mga mata nito ay mapupungay na, na alam kong ano mang oras ay makakatulog na sya.
Inabot ko ang jacket na sinampay ko kanina malapit sa bonfire at kinuha yon. Tuyo na ito at pwedeng pwede na muli itong isuot ni Ashley.
Nang makuha ko yon at ipinatong ko sa magkabilang balikat ni Ashley ang jacket at binalot sa katawan nya.
Tumingala sa akin si Ash at ngumiti.
Nagkaroon ako ng magandang anggulo para matitigan ang mukha nya. Lalo pa at ang liwanag mula sa bonfire ay tumatama sa napaka cute nyang mukha.
Ang mga mata nito ay mapupungay na pero napaka ganda pa din nya.
Mahaba ang pilik mata ng mala-manika nyang mata at may natural na mapupulang labi.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at dinala ang isa kong kamay sa pisnge nya. Yumuko ako at mahahalikan ko na sana ito nang...
O. O
May isang ligaw na ilaw ang tumama sa mukha ko. Sa sobrang gulat ay nanlake ang mata ko at tumingin sa pinanggalingan ng ilaw.
Nasilaw pa ako sa lakas ng liwanag nito pero nagawa ko pa ding matingnan yon.
At nalaman na isang flashlight yon mula sa labas ng kweba na syang dahilan ng mabilis na pag ngiti ko dahil dumating na ang saklolo namin ni Ash.
Tumayo ako hawak-hawak si Ashley sa braso at naglakad papunta sa bungad ng kweba. Nakasunod lang sa akin si Ashley.
Nang oras na makarating ako doon ay nakita ko ang limang lalake na may tigi-tigisang hawak ng flashlight at mga nakasuot ng kapote.
Pero hindi ko sila mamukhaan at alam kong hindi sila galing sa organisasyon. Hindi namin tauhan ang mga ito kaya sino naman sila?
Tinitigan ko lang sila at humawak ng mahigpit sa braso ni Ashley dahil nagdududa ako kung sino ang mga taong to.
Si Ashley naman ay tumalon talon at tuwang tuwa dahil sa mga taong dumating, "Ililigtas nyo ba kami?" Ashley asked them.
Ngumiti ang limang lalake kay Ashley at tumango, "Opo Miss. Mga police kami at nandito kami para tulungan kayong makabalik sa resort." Sabi nito at inabutan kami ni Ashley ng tigisang kapote.
At dahil din sa sinabi nya ay nagsalubong ang kilay ko.
Dahil panong magiging mga pulis sila, samantalang nag-alisan na ang mga pulis kanina dahil ayaw na nilang ipagpatuloy ang paghahanap kay Ashley.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
Roman d'amourAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...