ETHAN'S POV
(Bomb Explosion)
Niyakap ko si Adrian pagkatapos sumabog ng bomba. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya dahil hindi ko maatim na panoodin ang pagsabog ng bomba sa katawan ng butler nito.
Si Adrian naman ay natulala sa kawalan habang dahan-dahan na lumuluhod sa lupa. Alam kong pinanghinaan sya ng tuhod at pinanglambutan ng todo pagkatapos ng mga nasaksihan nya.
Ang tumayong ama nya ay nakita nyang namatay sa mismong harapan nya. Hanggang sa huli ay pinakita nya ang katapatan nya kay Adrian.
Napaka buti nyang tao at sya ang kauna-unahan kong nakilala na may likas na katapatan sa puso nya. Hindi lang trabaho nya ang minahal nya bagkos ay pati ang amo nya.
"Butler!" Sigaw ni Adrian nang parehas kaming lumuhod. Humagulhol nito ng sobrang lakas na alam kong sobrang sakit.
Sobrang sakit non.
Niyakap ko ng sobrang higpit ang kapatid ko para palakasin ang loob nya.
Paulit-ulit nyang sinuntok ang ground at galit na galit na sumigaw. Ang luha nya ay parang gripo na nagbabagsakan at ang makitang nagkakaganito ang kapatid ko ay nakakadurog din ng puso.
"Kuya. Lakasan mo ang loob mo." Mahinang sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang likudan nya.
Paulit-ulit kong tinapik ang likod nito hanggang sa kumalma sya. Pero sa pagkalma nya at nakikita ko ang paglawak ng eye pupil nito habang nakatitig sa war ship.
Kung pag mamasdan ko ay para syang mabangis na hayop na nakatitig sa pagkain nya at masama ang pakiramdam ko dito.
"YOU WILL ALL PAY FOR THIS!" malakas na sigaw ng kapatid ko na halos mag labasan ang ugat nya sa ulo at leeg nya.
Bigla itong tumayo at humablot ng assault rifle sa mga tauhan namin at tumakbo papunta sa war ship. Hindi man lang naisip ng kapatid ko ang panganib na hatid ng kalaban, nilalamon sya ng galit at kahit na napaka daming cannons ang nag aabang sa kanya ay sinalubong yon ni Adrian.
Sa takot na mapahamak sya ay agad akong humablot din ng rifle.
"PROTEKTAHAN NYO ANG PINUNO NYO KAHIT ANONG MANGYARI!" malakas na sigaw ko sa mga tauhan namin.
Mabilis naman silang nag kilusan at sumunod kay Adrian. Ganun din ako dahil kailangan kong protektahan ang kapatid ko.
Ang mga helicopters sa himpapawid ay naglakas loob na din na tapatan ang war ship at lapitan yon kahit napaka delikado. Pinapasok na nila yon at mag papakawala ng daan-daang bala mula sa machine gun.
Butler...
Gabayan mo kami sa laban na to, pakiusap.
MAX'S POV
Damn.
Napapasok na kami ng kalaban dito da war ship! Hindi to maganda lalo pa at hindi agad kami makatawag ng respo.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomanceAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...
