EXECUTE THE THREAT

137 19 1
                                    

YEJI'S POV


Buhat buhat ko si Iya sa braso ko dahil nakatulog na ito. Nag lalad ako paakyat ng hagdan mula sa sala at tinanak ang hallway papunta sa kwarto namin ni Max.

Nang makarating ako sa kwarto namin ni Max ay inabot ko ang door handle at binuksan ang pintuan.



(Creaking door sound)


Saw Max on the bed. Nakaupo sya doon at nahagip pa ng mata ko ang hawak nyang isang bagay na mabilis nyang itinago sa bulsa nya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inasal nya.

Naglakad ako papunta sa kama at binaba doon si Iya. Nang maihiga ko doon ang anak ko ay tumingin ako kay Max.


"Yeji, kumain kana ba?" Tanong nito na alam kong may pinagtatakpan sya.

Lumapit ako sa kanya at walang pag-aalinlangang dinala ang kamay ko sa bulsa nya.

"YEJI!" sigaw nito pero hindi ako nag paawat at pilit na kinuha ang bagay na yon sa bulsa nya. Nang makuha ko yon ay tinitigan ko yon.

Found out that it was a picture.

Picture ng babaeng kamukha ko.


It was Talia!

Nagdilim ang paningin ko at pinagpupunit ang picture na yon sa selos pero biglang inagaw sa akin ni Max ang litrato nang makita nyang pinunit ko yon.

"YEJI WHAT'S WRONG WITH YOU!?" he shouted at me angrily.

Tinulak ko sa chest si Max, "IKAW MAX, ANONG PROBLEMA MO!? MAY ANAK NA TAYO BAKIT SI TALIA PA DIN ANG INIISIP MO!?" galit na sigaw ko sa kanya.

Sa naging sigawan namin ni Max ay nagising si Iya at umiyak ng malakas. Mabilis na lumapit sa kanya si Max at binuhat ito tsaka hinele-hele.



"Shhh...Daddy is here." -Max



Dammit.

"MAX SAGUTIN MO ANG TANONG KO!?" sigaw ko sa kanya dahil napipikon ako na ang tagal tagal na namin nagsasama ay si Talia pa din ang iniisip nya.

Na hinayaan kong siraan nya ang buhay ko, na sumama ko sa kanya at piniling pasayahin sya pero malalaman kong hanggang ngayon ay si Talia pa din ang iniisip nya.


"MAX! SABIHIN MO NGA SAKIN, MINAHAL MO BA AKO DAHIL MAHAL MO AKO O DAHIL KAMUKHA KO SI TALIA!?" sigaw ko sa kanya habang sya ay patuloy sa pag papatahan kay Iya.

"Yeji please! Natatakot na sayo ang bata!" Saway nya sa akin.

At hindi nya masagot ang tanong ko na ibig sabihin lang ay si Talia pa din ang mahal nya.

"NAKAKAPIKON KA MAX!" I shouted and turned around. Tumakbo ako palabas ng kwarto at padabog na isinara ang pintuan.







MAX'S POV

Ibinaba ko si Iya sa kama nang mapatulog ko na ito at naglakad na ako papunta sa pintuan.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now