CAME BACK HOME TOGETHER

116 16 0
                                    

ASHLEY'S POV

There is a soft thing brushed in my forehead...





*Regain consciousness*






Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nang maalimpungatan ako sa isang malambot na bagay na dumampi sa noo ko.

Sa pagbukas ng mga mata ko ay nadatnan kong nakahiga si kuya sa tabi ko at ang labi nito ay nakadikit sa noo ko.

Sa likudan ni kuya ay nakikita ko ang bintana at ang sikat ng araw na tumatagos dito at tumatama sa mga mata ko.







"Good morning Ash." I heard kuya's baritone voice.

Muli kong tinagpo ang mga mata nito mula sa pagkakatitig ko sa bintana. Nakatitig lang sa akin si kuya habang hinahawi ng isa nyang palad ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko at sinisipit sa tenga ko upang mas matitigan nya ng ayos ang mukha ko.


"Where is Clint and Dillon?" I asked him.


"On the sofa, they are watching cartoons." He replied. Naupo ako mula sa pagkakahiga ko upang kumpirmahin nga ang sinabi ni kuya.

Sa pag-upo ko ay pinadapo ko agad ang paningin ko sa living area ng hotel na to. Hindi naman ako nabigong makita ang mga anak ko doon.

Nakaupo ang dalawang bata sa lounge sofa at parehas na may hawak ng bowl ng cereal habang nanood ng T.V.




Naupo din si kuya mula sa pagkakahiga nya at humarap sa akin. Muli kong tinagpo ang mga mata nyang nakatingin sa akin.





"Tinulugan mo ko magdamag." -him




"H-Hindi ko alam na nakatulog na pala ko kuya." Sagot ko sa kanya. I-iiwas ko sana ang tingin ko dito pero hinawakan ni kuya ang pisnge ko at pinanatili nya ang eye contact namin.




"Kuya."





"Pwede na siguro natin pag-usapan ang problema mo Ash."




Natigilan ako sa sinabi ni kuya.

Hindi ko din nakuhang magsalita kasi paano ko sasabihin sa kanya ang problema ko. Hindi ko kayang aminin sa kanya kung ano ang syang bagay na pumapatay sa akin sa araw-araw.


"Ash, kapag hindi mo sinabi sakin. Pano natin maayos ang problema mo?" Kuya said softly.

Maaayos?

Sa tingin ko ay kapag nalaman nya na nahuhulog na ako kay Sir. Khael ay mas gugulo lamang ang sitwasyon.

Ayoko na ng gulo, ayoko ng may masaktan. Sa tingin ko ang magandang solusyon nalang sa problema kong ito ay itago kay kuya at sa lahat na totoong nahuhulog na ako kay Sir. Khael.

Mahal na mahal ko si kuya at gagawin ko ang lahat para hindi sya masaktan. Kung kailangan labanan ko ang nararamdaman ko para sa boss ko ay gagawin ko.




"Is it about Talia and Bianca?" -him





Hindi ko pa din nagawang sumagot dahil maliban kay Sir. Khael ay pinoproblema ko din ang bagay na yon. Na sa tuwing naalala ko ang mga labi nyang nakadikit sa labi ni Bianca at Talia ay kinakain ako ng insecurities ko.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now