THE MEMORIES ARE HUGGING THEM

178 21 2
                                    

ADRIAN'S POV

"Kiss the Bride..."

Pinag masdan ko si Claire at Gray na nasa unahan ng simbahan. Kaharap nila ang pari na nag kakasal sa kanila.

Ang labi ng dalawang kinakasal ay naka kurba at sa dinami-dami ng pinag daanan ng dalawang to ay sila pa din talaga ang nag katuluyan sa huli.

Itinaas ni Gray ang belo ni Claire at sinunggaban ng halik ang bride. Claire hugged Gray's neck and answered his kisses.

Sa pag alis ng mga labi nila sa isa't isa ay umalingawngaw na sa paligid ang napaka lakas na hiyawan ng mga taong saksi sa kasal nila.

Nag papalakpakan at tuwang tuwa sa pag iisang dibdib nina Claire at Gray.

Nandito sa simbahan sina Noah, Hunter, Claude, Yuni, Cane, Brix, Violet, Valorine, Dite, Phoebe, Kit, Leo, Geoff at Ashley. Sinusuportahan sina Claire at Gray sa desisyon nilang pag sasama sa habang buhay.

Sina Papa at Mama naman ay bumalik sa UAE para i-handle muna ang business nya doon bago iwan sa akin ang lahat sa pag dating ng araw.

Si Mom ay nasa reception Area, inaalagaan sina Ares, Clint at Dillon.

At si Ethan....hanggang ngayon ay hindi pa din namin nakikita. Sa bawat araw ay natuto na kaming tanggapin na wala na talaga sya lalo na at apat na taon na ang lumipas.

Apat na taon ng...wala man lang kaming nakita ni anino ng kapatid ko...




"Boss Adrian!"

O. O


Lumingon ako sa gilid ko dahil narinig ko ang boses ng mga bodyguards ni Ashley. Nang lingunin ko sila ay nakita kong mga naka yuko ang ulo nila sa akin.

"Boss Adrian...wala po sa simbahan si Lady Ash."

Shit.


At sa pag lipas din ng pahanon ay mas tumitigas pa lalo ang ulo ni Ashley. Wala na si Ethan para bantayan ito at ang tatlong bodyguards at si Hunter na ang nag babantay dito pero natatakasan at natatakasan pa din sila ng makulit na yon.

"Where's Geoff?" I asked them.

"Kasama nya si Hunter para hanapin si Lady Ash sa labas."-Leo


Hmm...

"Kung ganun ay kumilos kayong tatlo. Hanapin nyo dito sa simbahan si Ashley. Nandito lang naman yon kanina kaya sigurado akong hindi pa yon nakakalayon." I said at them.

Muling yumuko sa akin sina Phoebe, Kit at Leo pagkatapos ay tumayo at tinalikuran ako. Nag simula na silang hanapin si Ashley.


That girl.



GEOFF'S POV

Nakasakay kami ni Hunter sa motorbike at nag mamaneho. Lumingon lingon kami sa paligid para hanapin si Ashley pero kahit saan ay hindi namin sya makita.

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now