FEEL LIFELESS

128 14 0
                                    

MAX'S POV

Hawak hawak ko sa leeg si Ashley at naka-angat sa ere. Nakita ko na ang pagsasara ng mga mata nito at pagbagsak ng mga kamay sa magkabilang tagiliran nya na kung pagmamasdan ko sya ay...

Napatay ko si Ashley.

Biglang bumalot sa akin ang takot para sa pwedeng kahinatnan nito kapag nalaman to ni Kuya Khael.


"LAYUAN MO SI ASHLEY!"

Nakatitig lang ako kay Ashley nang marinig ko ang malakas na boses ni Yeji sa likuran ko. Nang lumingon ako doon ay...

Nakita ko ang paa nitong naka angat sa ere at direktang tatama sa mukha ko.

Damn.







Mabilis kong iniwasan ang atake ni Yeji ar nanatili akong yakap yakap si Talia. Nabitawan ko din ang katawan ni Ashley at bumagsak si Ashley sa ground

Tang ina, sinabi ko naman kay Yeji na huwag na huwag syang lalabas ng kotse!

"Yeji---" galit na sigaw ko sa kanya at akmang lalapitan sana sya pero natigilan ako dahil...

(Engine sound)

O. O

Lumingon agad ako sa likuran ko dahil narinig ko ang napakadaming tunog ng mga sasakyan. Nakita ko sa likuran ko, sa kalsada ang napaka daming kotse at motorbike na papalapit sa direksyon namin.

Hindi ko sila kilala pero papalapit sila sa direksyon namin.

Habang tinititigan sila ay...

Nahagip ng mata ko ang ilang lalake na dumungaw sa bintana sa may kotse at naglabas ng baril! Tinutok nila sa akin ang baril at ilang sandali pa ay pinaliguan na nila ako ng bala.

Niyakap ko agad si Talia, nangangamba ako na masaktan nila ang anak ko.

Tang ina!

Sigurado akong hukbo to ni Redonzo at ng Red Admiral!

Gusto ko man hawakan si Yeji at isama ito sa pagtakas ko ay nawalan ako ng choice kundi ang tumakbo papunta sa kotse ko yakap yakap si Talia.

Dahil kung lalapit pa ako kay Yeji ay maaabutan ako ng mga tauhan ng kalaban. Mailap pa naman si Yeji at alam kong hindi agad sya sasama sa akin. Magtatagal lamang ako at napaka delikado noon.

Nakakaasar!

Paanong natunton pa kami ng mga to!?



Tumakbo ako papunta sa kotse ko at nang makarating ako doon ay pumasok ako. Wala akong inaksayang oras at binuksan ko ang makina ng sasakyan ko tsaka nag maneho ng sobrang bilis.

Si Talia ay nasa lap ko at iyak lang ng iyak.

Habang nag mamaneho ay paulit-ulit na din akong nag mumura sa hangin dahil sobrang nakakaasar na nasakin na si Yeji tapos nawala pa!

Napahampas ako sa manibela ko at sumigaw ng malakas.

Hindi pa ko tapos sayo Yeji!

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now